"Good morning!!" napatingin kami kay Rosie na masayang masaya na pumasok sa bahay. Tumikhim ako dahil ni isa kanila ay walang bumati kay Rosie which is very unusual. Kadalasan kasi ay si Rosie ang nagbibigay ng ingay sa bahay.
But now? Parang may isang myembro ng pamilya ang namatay. Yung sabay sabay kami kumain? It's a very rare thing to us. Nakatira lang kami sa isang bahay pero may kanya kanya kaming buhay.
"Ay, dehins ako pinansin? Kaloka!" nilaro niya ang laso sa buhok niya na parte na talaga ng buhay niya. Nailing ako at tahimik na kumuha ng pinggan para sa kanya. Si nanay at nanatiling nakayuko. Si tatay naman ay mabilis na mabilis na kumain at tila walang pakialam sa paligid.
Nang napatingin ako kay kuya Anton ay seryosong seryoso at pinapanuod ang bawat galaw ko. Literal na natalisod ako sa titig niya kaya nabagsak ang kutsarang hawak ko.
"Hay nako, Astrid! Ang weak mo talaga.. Mag isa ka lang nanatatalisod kapa." umupo si Rosie sa tabi ni kuya na nakatingin pa din sa akin. Tumaas ang sulok ng labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Ayos ka lang?" tanong ni kuya ng makalapit ako sa lamesa. Gusto kong magmura sa inaakto niya pero hindi ko magawa. And for goodness sake! Hindi ko siya maintindihan. And what's worst is he can make my heart beats erratically without him even knowing一effortlessly.
Though, nababahala ako. I know there's something wrong and it's not right. I just don't know how to say it properly nor figure it out. Nakakalito lang kasi, and.... It scares the hell out of me.
"Huh? Bakit naman hindi magiging ayos si Astrid? Nakakalakad naman siya ah?" inosenteng tanong ni Rosie. Titig na titig siya kay kuya na rekta naman nakatingin sa akin kaya umupo na ako at yumuko. Is he not even bothered to look at me like that? Because honestly一 It's creeping me out.
"Ang weird niyo," kumuha si Rosie ng sinangag. "Nanay Ester.. Why are you so quiet?" salita ni Rosie kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Bakit?" kunot noong tanong niya.
Umalingawngaw ang isang malakas na tawa ni kuya Jigs na lalong nagpakunot ng noo niya.
"Tangina, Rosie! Umi-eenglish kapa ngaun, ha!" tawa siya ng tawa ng tawa. Nakita ko ang tipid na ngiti ni nanay kaya napangiti ako kahit gustong gusto ko din tumawa. Ayoko lang ma-offend si Rosie.
"Jigs, nasa hapag tayo. Baka gusto mong ayusin ang salita mo," malamig na salita ni kuya sa kanya kahit halata naman na nagpipigil din siya ng tawa.
Nagkibit balikat si kuya Jigs. "Sorry naman, comedy kasi si Rosie eh.." tawa pa din siya ng tawa.
Padarag na binitawan ni Rosie ang kubyertos at hinarap si kuya Jigs habang nakataas ang kilay niya. Kuya Anton looked amaze habang ako ay naghihintay na naman sa sagutan ng dalawa. Sometimes, naiisip ko na baka sa huli.. Si kuya Jigs pala ang gusto talaga ni Rosie at hindi si kuya Anton. She's just fascinated with kuya not noticing her while kuya Jigs are all eyes on her.
"Comedy? Excuse me.. Kaya ko naman mag english no! At ano akala mo sa akin? Clown?" ngumiwi siya.
"Sige nga sample," asar ni kuya Jigs. Rosie rolled her eyes dramatically. Halos hindi ko magalaw ang pagkain ko sa kaaliwan ko sa kanilang dalawa. Napasulyap ako kay nanay sa gilid ko na tahimik pa din. Ramdam ko talaga na may mali, kasi, kung normal si nanay ay kanina pa barado ang dalawa. Mabuti nalang din at umalis na si tatay.
"Paki- translate nga yung -Mahal kita at hindi kita ipagpapalit.-" natatawang salita ni kuya Jigs. Nanlaki ang mga mata ko. Pati si kuya Anton ay manghang napatingin kay kuya Jigs. Parang sinabi niya na ang nararamdaman niya kay Rosie, indirectly.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
