"Lets go," ngumiti si lolo John habang pababa ng sasakyan. Kanina naman ay okay lang ako. Lolo John consumed my fear when he asked me random things about school.
Nagtataka nga lang ako coz' in the long ride, he never asked something about Bree. Diba kaya kami nagkakilala because of her? But lolo looks uninterested kapag paminsan minsan ay sinasali ko si Bree sa usapan. Hindi ko nga lang sinali yung part na nagdebate kami. I'm not really proud of it.. Coz' I knew that somehow, I hurt Bree's feelings.
Bumaba ako ng sasakyan na kabang kaba. Umihip ang hangin sa kalagitnaan ng isang malaking runway. Sobrang laki at sobrang daming iba't ibang klaseng eroplano dito. Ganito sila kayaman?
"You stay here, I'm going to show her the whole place." salita niya sa isang bodyguard niya na sumundo sa akin. Kumunot ang noo nito na tila ba nagdadalwanag isip sa sinabi ni lolo John.
"But sir," sagot niya. Isang tingin ni lolo John ang nagpatahimik sa kanya. Isang cart ang dumating sa harap namin. Yung mga ginagamit ng mga nag gogolf. Hindi ko naman alam ang tawag dahil hindi pa ako nakakapag golf. Nakikita ko lang iyon sa palabas o sa magazine. Meron pa kasing sinasabi si lolo John sa mga bodyguard niya kaya sinamantala kong ilibot ang mata ko sa lugar.
Sa south side ay may malaking building. Maybe.. Doon ang office. Sa north side naman ay isang malaking building din but not like the south. Open kasi ito at madaming tao ang makikita mo making some planes. Nakakamangha. Hindi ko akalain na mangyayari sa buhay ko na makakakita ng mga eroplano ng malapitan at paano ito ginagawa.
I know Bree is rich. Pero hindi ko akalain na ganito sila kayaman. May isang mini plane sa gilid kung saan may nakalagay na pangalan ni Bree. Nakakaingit.
I'm not materialistic person. Pero kasi, tao lang din naman ako. Paano kaya kung nakapangalan ang name ko sa isa sa eroplano dito? Diba ang saya sa pakiramdam? Pero alam ko naman na malabo mangyari iyon kaya masaya na ako na makita ang mga ito personally. It's still feel surreal but it's real.
"Iyan ang ginamit ni Sasha at Luther noon to escape," salita ni lolo bigla. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din sa mini plane. Honestly-- madaming maganda at malalaking plane dito but this one seems special. Ewan ko ba, mayroon katangian ang plane na ito na mapapatingin ka talaga.
I remembered tita Sasha told me about the escape thing. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kailangan nila tumakas noon. Besides, it's their story. Parang sobra naman yata kung aalamin ko pa iyon diba?
Tumango nalang ako kay lolo John. Kumunot ang noo ko when he stared at the plane with sad eyes. Somehow, may parte sa puso ko ang nabahala sa lungkot ng mga mata niya.
"And that was the night they took--" nakatitig ako sa kanya at nakikinig pero napahinto siya sa sasabihin niya. Ano ba yan.. Nambitin pa si lolo John. Pero.. Sino ang kinuha nung gabi na yon? Hays. Feeling ko ang complicated ng buhay nila. They're rich but still, their lives have flaws. Kagaya lang din ng sa akin.
Yun nga lang.. Kahit complicated at magulo ang buhay nila.. They have the money to cover the flaws. The only thing that we're the same is we both have family who will never lie and leave us.
Kaya para sa akin.. Pamilya ko ang yaman ko.
Hinagod ko ang braso ni lolo. Pakiramdam ko kasi may naalala siya bigla na nagpabigat ng loob niya. Mukha pa naman may edad na si lolo John kahit hindi halata sa itsura. He's the legend. Syempre kung maganda ang lahi nila Bree, kanino paba nila iyon makukuha diba?
"Ah, ayos lang po kayo?" tanong kong medyo naiilang. Baka kasi sabihin ni lolo John na porke mabait siya sa akin ay magfefeeling close ako.
Ngumiti siya ng tipid. "Kumain kana?" instead of answering me, iniba niya ang usapan.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
