Nakatitig ako sa kisame sa kwarto ko. Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi ng Manila. What I know is someone drove me back here. Mugto ang mga mata ko at sobrang pagod ang utak ko sa dami nang nangyari.
Wala na akong maiiyak. Tila pagod na din ang luha ko at naubos na lahat. Lumabas ako sa kwarto para uminom ng tubig. Tahimik ang mansyon ng makalabas ako. And then.. I saw our family portrait hanging at our corridor.
Napatitig ako sa litrato. And another pain slowly stabbing my chest again. I saw dad ang mom's genuine smile. Ito ang unang litrato namin simula nang nalaman nila na ako ang totoong Bree.
Then there's Kaio's cold eyes.. And Lucille's angry eyes. Napatingin ako sa sarili ko. I looked sad, confused and innocent.. More on sadness.. I don't know why I looked sad in this picture.
"Ma'am.. Nandito na po kayo?" tanong ng isang kasambahay. Ngumiti lang ako ng tipid.
"Si nanang Opel?" tanong ko. Biglang umiwas ng tingin ang kasambahay at nagpanggap na nagwawalis.
"Aurora," may pagbabanta sa boses ko.
Tila ba nagulat siya. All my life living here, hindi ako nagtaas ng boses kahit kanino. "Umuwi na po sa probinsya nila." sagot niya. Hindi na naman ako nagulat dahil may edad na din siya. Hindi ko lang inaasahan na mabilisan ang pag alis niya.
"Ano po pala.." pigil sa akin ni Aurora.
"Ano?"
"Kaaalis lang po ni sir Luther. Aayusin daw po niya ang kaso ni Ma'am Sasha.."
Pumikit ako ng mariin at tumango. I don't know if I'm ready to face them but I have no choice right? Kahit gusto kong magalit ay mas nananaig pa din ang pagmamahal ko sa kanila.
"Ano din po.." singit ulit ni Aurora. Hindi ako makaalis ng tuluyan dahil putol putol ang salita niya!
"What?" medyo iritable kong sabi kaya bahagya siya siyang napaatras.
"Nanjan po sa baba si Sir Raj. Kanina pa po naghihintay."
Bumuntong hininga ako at tinalikuran siya. Marahan akong bumaba sa hagdag. The silence of the mansion somehow bothers me. Hindi din naman sobrang ingay dito.. Pero hindi din naman ganito katahimik.
"Are you alright?" salubong agad sa akin ni Raj. Tila ba alalang alala siya at kanina pa hindi mapakali. Tumitig ako sa kanya. Raj is beyond perfect. Naalala ko pa lahat ng ginawa niya sa akin during my dark years. Kahit tinataboy ko siya ay matyaga siyang lumapit sa akin. How can I drop him so easy?
Alam kong nasaktan ko si Anton at masasaktan ako sa choice na tinahak ko. But for me... It's the right thing to do. Masakit, oo. Pero siguro.. Hindi talaga kami para sa isa't isa ni Anton. Marami akong sakit na naibigay sa kanya kagaya ng sakit na naibigay niya sa akin.
"I'm okay." sagot ko. Lumapit siya agad sa akin tsaka ako hinalikan sa noo. I smiled a little. Hindi ko man nakuha ang best choice ko. I still have the second best. Pareho lang naman sila ni Anton ng ibinigay at sinakripisyo.. The only difference is si Anton talaga ang minahal ko ng buong buo. Maybe.. Kailangan ko din sanayin ang sarili ko na mahalin si Raj nang katulad ng kay Anton.
Umupo kami sa sopa. Medyo nahiya pa nga ako kay Raj dahil sa haggard na itsura ko. Well, mukhang wala naman siyang pakialam kaya naging kampante ako.
"These are the break downs of your company.. Pwede pa natin isalba." nilapag ni Raj ang mga documents sa harap ko. Inisa isa ko itong tignan.
Umiling ako. Paano isasalba kung lumubog na? Hindi biro ang shares ni Anton na winidraw niya. Literal na bumagsak ang nangyari sa VC aircrafts.
"I can invest. Kaya kong kumuha ng madaming investors. I can help you.." he pleaded. Pagod akong umiling at ngumiti.
I know he's busy with his thing in their company.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
