"Running away from me again will be impossible for you, baby.."
Minasahe ko ang sentido ko sa sobrang kirot nito. Paanong ako ang tumakbo noon? Siya ang umalis at iniwan ako. How dare him to tell me that I'm the one who run away years ago.
Nakakagago lang!
Hindi ko na dapat ito pansinin diba? Hindi ko na dapat intindihin dahil tapos na kami. Pero bakit may parte sa sarili ko na ayaw pa din pakawalan? No, alam kong wala nang galit sa puso ko ng iniwan niya ako. Nagagalit ako ngaun dahil sa ginagawa niya at paratang sa akin na ako ang tumakbo noon.
Nasa mansyon ako ngaun sa hiling ni mommy. Tinanong pa ako ni daddy kung ano ang nangyari sa sasakyan at nayupi ang harap nito. I just told him na namali ako ng liko at tumama sa isang pader. Hindi lang ako sigurado kung naniwala si daddy.
Nag unat ako at napilitan na tumayo. Kailangan kong pumunta sa VC aircrafts para personal na pag aralan ang mga problema doon.
Isang katok ang nadinig ko pagkatapos kong mag ayos ng sarili. "Bree??" si mommy ang kumatok.
"Come in, po" sagot ko at nagpatuloy na maglagay ng make up. I'm happy I've learned these things. Tumingin ako sa salamin at mapait na ngumiti. Hindi ko na makilala ang sarili ko. Years ago, simpleng babae ako at walang muwang sa mundo. But now? I've learned how to live in this world. Kaya ko nang magkipagsabayan, I'm not the primitive and naive, Astrid anymore. Well, I guess, achievement iyon diba?
"Are you leaving?" gulat na tanong ni mommy. Hinarap ko siya at tumango. "Yes po. Pupunta ako sa company." sagot ko.
Bahagyang natahimik si mommy at malungkot na tumingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Malaki ang nagbago kay mommy. Her fierceness years ago is all gone now. Nakakataka.
"You know that..." hindi niya matuloy ang sinasabi niya. Alam ko naman iyon. Bakit hindi niya masabi ngaun?
"Yes, my, I know po." sagot ko.
"Are you ready to face him?" tanong niya. Nagulat ako. Hindi manlang ba niya ako pagbabawalan katulad noon? Is she my real mommy? Parang naninibago ako. Besides, nagkita na kami mommy!
Tipid akong ngumiti. "I have no choice, my."
Bumuntong hininga si mommy. Para bang may gustong sabihin na hindi masabi. "Uh, Akira, your secretary is here. She will brief you about the company and so on. She's waiting downstairs."
Tumango ako. Nakakatitig kay mommy. Umuwang ang labi niya at sa huli ay pumikit siya at bumuntong hininga. Walang salita ng lumabas siya sa kwarto ko. Okay, that was wierd.
Nang makababa ako ay nakita ko si Akira. Siya lang naman ang nandito so I guess siya si Akira, right?
May kung ano siyang tinitignan sa Macbook na dala niya na hindi manlang napansin ang presensya ko. Tumaas ang kilay ko at nagpatuloy na lumapit. Nang hindi niya ako napansin ay tumikhim ako.
"Uh, sorry ma'am. Goodmorning." nakita ko ang gulat at takot sa kanya. Tumango ako at napatingin sa Macbook niya.
"I guess, it's for work?" tanong ko. Bahagya niyang nilayo ang Macbook na hawak niya habang namumula ang pisngi.
"Ano po kasi... Tinitignan ko po ang profile ng CEO." sagot niya. Napauwang ang labi ko. CEO? ako yun diba?
"I'm here. Hindi mo na ako kailangan iistalk." sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya. Bahagya pa siyang napayuko.
"Ma'am kasi.." hindi siya makapagsalita.
"Si Anton Ibañez na ang CEO." biglang lumabas si mommy kung saan. Natigilan ako at prinocess pa sa utak ko yung sinabi ni mommy. Nang matauhan ako ay nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
