ika- apanapu't apat

10.5K 353 44
                                        

I don't know why I have this urge to see him first after I knew everything. Hindi ko din alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para harapin siya ngaun.

Lakas sa kabila ng masasakit na salita na nabitawan ko sa kanya. For insisting that he left me. Tila sampal sa akin lahat ng mga salitang binitawan ko.

I never thought that the family I loved the most will all lie to me. Mahal ko sila.. But part of me still hurt and felt betrayed. Bakit iba ang pinalabas nilang katotohanan sa akin? I don't get it. Sana ay sinabi nalang nila ang totoo.I want to understand them. I really do. Pagod na pagod na akong magalit at masaktan.

My hair blown by the sea wind. Napapikit ako pagkatapos kong salubungin ang ihip mg hangin. I saw some tourist happily  enjoying the pristine water and the view of the setting sun.

Sa Batangas ako dinala ni Brent. He said that Anton is here. Waves of memories flashed indside my head when I saw the spot where Anton first confessed his feelings for me. Ito ang lugar na una akong nabuo at nawasak.

Tila naligaw ako ng landas ng sinimulan kong maglakad. Hindi tulad noon ay masagarbo at maraming tao sa resort na ito. It was a private resort, but now? I can see that this is earning a lot. Hindi ko mapigilan na mamangha sa mga achievements ni Anton. He deserves all of this. The respect, honor and riches.

"Good afternoon!" masigarbong bati ng isa sa mga usherettes na nakakalat sa resort. I timidly smiled at her.

"Do you have reservation, ma'am?" masayang sabi ng babae. Umiling ako agad.

"Do you want me to accompany you to the receiving area?" tanong niya. Huminga ako ng malalim at umiling muli. Kumunot ang noo ng babae na tila nagtataka kung bakit ako nandito.

"Nandito ba si Anton?" diretsong tanong ko. Lalong kumunot ang noo ng babae. Nang nakabawi ito ay ngumiti siya ulit kahit bahagyang nalilito.

"Mr. Anton Ibañez?" tanong niya ulit. Tumango ako sa kanya.

"He's.. I'm sorry ma'am but I'm not sure about his exact whereabouts. Sometimes, he's inside his suit or he is roaming around the resort."

Tumango ako.

"Sino po pala kayo?" she asked again. This time, nakitaan ko ng pagdududa ang mga mata niya.

"I'm his friend." sagot ko sabay mahinang nagmura. Really, Bree? A friend? Parang may asido na kumalat sa sikmura ko at parang sumasakit at bumabaligtad ito.

Nanatiling nakangiti ang babae kahit halata ang pagkalito sa mukha niya.

"Okay. You want me to call him一"

Hindi natapos ang sasabihin niya ng umiling ako. "No. Ako na ang hahanap sa kanya." tipid akong ngumiti.

"Okay, ma'am.." ngumiti siya at tumalikod na.

The sun is almost setting pero hindi ko pa din alam kung saan ko hahanapin si Anton. Hindi naman din biro ang laki ng resort at dami ng tao ngaun.

Umupo ako sa isang sun lounger sa ilalim ng isang puno ng niyog. The coldness of the sea wind, somehow, made me calm.

Alam kong mahal ako ni Anton noon. Till now, tanong pa din sa utak ko kung bakit ako ang minahal niya. We grew up as siblings. Malaki ang agwat ng edad namin at madaming dahilan para hindi niya ako magustuhan. But then.. I realized that love doesn't have explanation. Kasi.. Kahit ako mismo ay hindi alam ang dahilan kung bakit si Anton ang minahal ko.

For all the things he'd done for me made me feel more guilty. Parang sinampal niya lang sa akin na hindi ako karapatdapat sa lahat ng pagmamahal niya.

I feel guilty. Iniwan ko siya dito not knowing his agony for the past years while making myself move on. Pumasok ako sa ralasyon para kalimutan siya. I know Raj was there for me all the time. Totoong nagkafeelings ako sa kanya pero hindi kasing lala ng kay Anton.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now