"I love you, Bree.." isang babae ang lumapit sa bata at niyakap ito ng mahigpit. Yumakap din ng mahigpit pabalik ang bata sa kanya.
"Mahal na mahal kita anak.." tears fell from her eyes. Nakaramdam ako ng pain ang longingness sa mga mata niya.
Humiwalay ang babae sa bata at tinitigin ito.....
"Mommy!" dama ko ang tagaktak ng pawis na tumulo sa noo ko.
"Astrid, ano nangyari?" napabangon si nanay na nakatabi sa akin. Huminga muna ako ng malalim. Pakiramdam ko kasi ay nasasakal ako. "Sinong mommy ang tinutukoy mo?" binuksan ni nanay ang ilaw. Nagsalin siya ng tubig sa baso at inabot sa akin.
"Nay, napanaginipan ko po ulit." sagot ko. Medyo matagal ko na din itong hindi napapanaginipan pero bakit bumalik ngaun?
Yung babae sa panaginip ko, medyo nag ka anino na siya pero hindi ko pa din makita yung buong mukha. At bakit Bree ang pangalan ng bata? Hindi ko maintindihan.
"B-bakit sumigaw ka ng mommy? May mukha naba yung babae anak?" ramdam ko na nanginginig si nanay kaya napatingin ako sa kanya. Bahagya pang namutla ang mukha niya.
"Hindi ko po alam," sagot ko. Kasi hindi ko nga alam na sumigaw pala ako ng mommy.
"Ayos ka lang nay?" tanong ko ulit. Ang putla putla kasi niya kaya sa kanya ko pinainom yung tubig na binigay niya sa akin.
"O-oo, kinabahan lang ako sa sigaw mo," sagot niya.
Wala na si kuya Anton nung magising ako. Si kuya Jigs naman ay natutulog pa sa sala. Bihis na bihis ako at nagmamadaling pumasok. Medyo tinanghali pa naman ako ng gising dahil sa panaginip ko na hanggang ngaun ay wala pa din sagot.
"Good morning," si Bree ang bumungad sa akin sa classroom. Tahimik lang siya hindi katulad noon.
"Bakit walang tao?" tanong ko ng makaupo ako. Nakakapagtaka lang kasi halos anim lang kami sa klase.
She shrugged. "Nagreready sila for Betina's birthday." sagot ulit niya.
Ganoon ba ka special yung 18th birthday ni Betina para ipagpaliban ang klase?
Half day lang kami ngaun dahil wala naman pumasok at hindi din pumasok yung ibang prof.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Bree nang sabay kaming lumabas ng silid. Tahimik niya kasi kaya hindi ako sanay.
She sighed heavily and stopped from walking, "I still don't understand why Rajan is avoiding me. Simula nung hindi ako masyado pumapasok, he's off."
Si Rajan pa din? Ayan na nga ba! Hindi ko na naman matignan si Bree coz' part of me was guilty.
"Sure kaba na wala kang alam na pinopormahan niya? Or something?" frustrated na ang itsura ni Bree kaya nilalamon na ako ng kunsensya ko.
"Wala talaga," sagot ko without looking at her. Eto na nga ba ang kinakatakot ko, e. Yung magkaroon ng lihim sa kanya kahit ayoko naman. Pamilya at kaibigan na ang turing ko kay Bree. Ayokong saktan siya pero paano? Si Rajan talaga ang may kasalanan nito, e.
"I believe in you, basta tell me kapag meron ha?" ngumiti si Bree at hinalikan ang pisngi ko sabay sakay niya sa sasakyan niya.
Tumunog ang cellphone ko kaya dinukot ko ito habang nakatanaw sa sasakyan ni Bree na palayo na.
Rajan
-Later. Pick you up at 8pm..
Napabuntong hininga nalang ako at di na nagreply. Naiinis ako sa ginagawa ni Raj dahil naiipit ako sa friendship namin ni Bree. Kung ayaw niya naman talaga kay Bree, dapat ay sabihin niya ng maayos.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
