Sa dami ng issues sa buhay ko, wala na akong panahon para sagutin ang mga tanong sa utak ko. Ilang linggo na akong naging abala para gawan ng paraan ang pagsalba sa companya.
"I'm sorry, Ms. Dela Fuente. We're not interested." umiling ang Vice President ng pang sampung company na pinuntahan ko. Pagod na pagod na akong magpresent sa iba't ibang company na wala naman nangyayari.
Ilang linggo na akong naghahanap ng mga investor sa company pero lahat ay wala akong napala. Lolo's company is falling. May problema din ang company ni Dad and lolo Yoseff does not want to invest.
Sumasakit pa lalo ang ulo ko dahil sa paghahanap ni Anton ng funds na nawala. Ugh! Kahit ibigay ko lahat ng pera ko ay hindi nito maiiahon ang company from falling.
Kahit ibenta ko ang lahat ng properties ko ay hindi pa din sapat para mabawi ang company at mabayaran ang funds na nawala.
Hapong hapo akong sumakay sa kotse at nagmaneho ulit. Ilang araw na din akong nalilipasan ng gutom. While driving, para akong ligaw na bata na hindi alam kung saan pupunta. Nagpigil pa akong pumunta sa company ni Raj. He's willing to invest. Pero... Ayoko.. Ayokong madamay siya sa gulo na ito. At ayokong pati siya ay pag initan ni Anton.
Sa huli, nakakita ako ng flower shop. Mabilis kong pinark ang sasakyan.
Sumalubong agad sa akin ang isang babae. She smiled at me. Ngumiti rin ako at tinuro ang puting mga rosas. "Paki arrange." ngiti ko. Naglibot libot muna ako para tumingin ng bulaklak.
Somehow, these flowers calmed me. Para bang kapag tinitigan mo sila ay mabibigyan ng kulay ang nangungupas mong buhay.
Tumunog ang chime na nakasabit sa main door ng flower shop. Napatingin ako sa bagong dumating. To my horror, pumasok si Brent kasama ang isang magandang babae. I don't know what to do. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o magtatago. Bakit ako tatakbo? Nababaliw kana talaga, Bree!
Alam kong alam niya ang nangyayari sa amin ni Anton. Hindi ko din alam kung ano ang nasa isip niya about sa akin ngaun.
Nang napansin niya ako ay mabilis nawala ang ngiti niya. Dapat ba akong ngumiti? Syempre hindi! Sa tingin palang ni Brent ay si Anton na ang nakikita ko sa kanya. Galit.
"Wait here." malamig na salita niya sa babae. Kumunot ang noo nung babae at tumango kay Brent na may halong pagtataka. "What do you want me to choose?" pahabol nung babae.
"Anything, choose whatever you want. I'm fine with it. What's important to me is our wedding." hinalikan niya ang noo ng babae na bahagyang namula ang pisngi. Umiwas ako ng tingin sa kanila.
Ikakasal na siya? Ang galing naman! Believe me or not, I'm happy for Brent. Bago pa ako makaatras ay nakalapit na siya sa akin. Shit! Umayos ako ng tayo at pilit na kinalma ang sarili.
"What are you doing here?" malamig ang boses ni Brent. Halos mangilabot ako sa kanya. Kagaya ni Anton, his presence intimidates me. Hindi na din siya ang playful na Brent na nakilala ko noon.
"Uh, buying flowers?" naguguluhan kong sagot. Para akong tanga ng tumaas ang sulok nang labi ni Brent. Para bang may sinabi akong nakakatanga.
"Nag- usap na kayo ni, Anton?" biglang tanong niya. Eversince, straightforward magsalita si Brent. Walang ligoy at diretso magtanong. Bakit hindi nalang niya ako kamustahin diba? Hindi ko mapigilan ang mairita sa kanya.
"Why don't you ask him? Well.. Mukhang busy siya masyado para pabagsakin ako diba?" mapait kong sabi. Tumaas ang lang kilay ni Brent. Ang mga mata niya ay blangko at walang emosyon.
Sa huli, huminga siya ng malalim. Humalukipkip habang nag igting ang panga. "You really think he will let you fall?"
"He already did." sagot ko. Napuno ng amusement ang mata niyang blangko. Sa kaunaunahang pagkakataon simula nakita ko ulit si Brent ay ngumiti siya.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
