The Strings

39.9K 479 19
                                        

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual person, living or dead, or actual event is purely coincidental.

This story is the sequel of No Strings. So alam niyo na kung kaninong story ito. And lastly.. Ito ang unang second generation na story ko sa lahat ng kwento ko. Anyway.. Read at you own risk.

Ciao!
----------------------------------------------------------------


The Strings-

Simula

"I love you Bree.." isang babae ang lumapit sa bata at niyakap ito ng mahigpit. Yumakap ng mahigpit pabalik sa kanya ang bata..

"Mahal na mahal kita, anak." I saw tears fell from her eyes. Nakaramdam ako ng sakit seeing the longingness and pain from her eyes.


"Astrid!"

Napadilat ako sa malakas na sigaw ni nanay.

"Ayos ka lang?" alalang tanong niya sabay abot sa akin ng isang basong tubig. Hindi naman gaanong kainitan dahil disyembre na. Pero ang pawis sa noo ko ay para akong lumaban sa takbuhan.

Tumango ako. "Napanaginipan ko po ulit nay." sagot ko. Bahagyang nataranta ang itsura ni nanay at umiwas ng tingin sa akin. Isinabit niya ang takas na buhok ko sa aking tainga.

"Huwag ka kasing masyadong nanonood ng drama.. Kung ano ano tuloy ang napapanaginipan mo." pangaral ni nanay.

Napanaginipan ko na naman ang babae na iyon. Hanggang ngaun.. Wala pa din siyang mukha sa panaginip ko. Sino si Bree? Bakit palagi kong napapanaginipan ang tagpo na iyon? Sino yung bata at babae sa panaginip ko?

"Basyang, ano na naman ang tinutunganga mo jan?" sigaw ni Rosie habang nakapameywang sa pintuan ng bahay namin. Natawa pa ako ng bahagya sa laki ng laso na nakalagay sa kanyang buhok.

"hohonga--"  Natawa ako bigla ng lumabas si Nam sa gilid ni Rosie. Halos hindi na siya makapagsalita sa sunod sunod ng subo niya ng chicharon sa bibig.

"Ano kaba naman, Nam. Nam-nimawa ka naman sa pagkain." maarteng salita ni Rosie. "Umusad ka nga! Beywang ko na iyan binti mo. Ang taba taba mo!" masungit na itinulak ni Rosie si Nam.

"Grabe ka talaga sa akin, Rosie." umusad ng bahagya si Nam.

Napailing nalang ako sa dalawa. Hindi ko naman kasi sila maaya sa loob ng bahay dahil kay Nam palang, puno na ang bahay.

"Ano ba ang ginagawa niyo dito?"tanong ko. Sinuot ko ang tsinelas ko at dumiretso palabas. Excited na inangat ni Rosie ang papel na hawak niya sa mukha ko.

"Tignan mo! Nakapasa ka sa kinuha mong scholarship sa La Soledad University." tuwang tuwa si Rosie. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko maiwasan mapatalon sa tuwa. Talaga?

"Patingin nga," excited na sabi ko sabay hila ng papel na hawak niya.




Dela Cruz, Moon Astrid G
Dela Cruz , Johary M
Dela Fuente, Devone Bree VC







Started :Nov. 15 2017
Ended: Sept 10 2018

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now