Instantly, nagbago ang buhay ko. After the night na sumabog ang totoong pagkatao ko, pinakilala ako ng totoong magulang ko sa mundo nila. People were shocked at first pero natuwa sila dahil nahanap ako nila mama Sasha.
Until now, it feels surreal. Kailan lang ay pinapangarap ko na maging buhay ko kung ano man ang meron ako ngaun. Pero ngaun? Lahat ng gusto ko? Nakukuha ko, walang hirap.
Si nanay naman, ginawa ko ang lahat para hindi siya idemanda nila papa at mama. I chose to be with them for nanay's freedom. Kahit alam kong hindi si nanay ang totoong nanay ko, mahal na mahal ko pa din siya. Hindi man siya ang nagluwal sa akin, minahal niya naman ako na parang totoong anak.
Si Rosie naman ay nawindang ng malaman ang totoong pagkatao ko. Unlike kuya Jigs na alam na din pala ang totoo. Nalaman ko din na hindi din pala siya anak ni nanay. Kagaya namin ni Anton ay ampon din siya.
Si Anton naman? Wala akong balita sa kanya simula nung gabi na iyon. Isang buwan na pero hindi ko maramdaman ang presensya niya. Aaminin ko, may mga oras at araw na talagang iniisip ko siya.
Ang balita ko ay hinahanap nila ang totoong mommy niya na wala naman pala sa bansa. Tito Blake was shocked too. Kaya daw pala iba ang feels niya sa akin nung nakita niya ako dahil may parte sa kanya na nakikita ang musmos na Bree noon na itinuring niyang anak.
Nevertheless, galit pa din si mama Sasha at papa Luther sa kanila. Alam ko naman kung saan sila nanggagaling, pero yung idamay nila si Anton, Brent at tito Blake ay parang sobra na yata. Kung tutuusin naman, wala naman talaga silang kinalaman sa pagkawala ko noon. Kung tutuusin, biktima din naman ang kambal ng nangyari noon.
Si Bree naman, nanatili sa mansion at nanatiling anak nila mama at papa. She's still mad at me. Diba nga ako ang dapat magalit? Dela fuente na ako ngaun pero nanatili na kay Bree ang totoong pangalan ko. Wala naman kaso sa akin iyon dahil nakasanayan ko na ang pangalan ko.
"Kain na tayo ate." napatingin ako kay Kaio na bigla nalang lumitaw. Hindi naman kasi ako pala labas ng kwarto ko. Hanggang ngaun, pakiramdam ko ay iba pa din ako sa kanila. Hindi iyon pinaramdam sa akin ni mama Sasha at papa Luther pero may mga tao sa paligid ko na nagpaparamdam sa akin na hindi talaga ako para dito.
Tumango ako. "Okay." niligpit ko ang gamit ko. Nakahiligin ko kasi ang mag drawing ngaun. Dati sa likod ng notebook lang ako nagdodrawing, pero ngaun ay may sarili na akong canvas at drawing materials na si papa mismo ang bumili.
Hindi na nagsalita si Kaio, pinanuod niya lang ako habang iniisa isa kong ligpitin ang gamit ko na nakakalat.
"Tara na," sagot kong tipid ng matapos ako magligpit. Kahit naman alam ko na kapatid ko talaga siya ay hindi pa din mawala sa akin na mailang pa din sa kanya. Though, isa si Kaio sa nagpaparamdam na isa ako sa kanila. Na isa ako sa pamilya.
"Ugh," salita ni Kaio ng makababa kami ng hagdan. Tila ba may gusto siyang sabihin na hindi niya alam kung paano sisimulan.
Tumingin ako sa kanya na titig na titig sa akin. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "You know what? I kinda like you the first time I met you."
Bahagyang umuwang ang labi ko sa gulat. Like? Sa anong paraan?
"Huh?" parang tangang sagot ko. Hindi ko din alam kung ano ba ang dapat isagot ko sa kanya.
Lumawak ang ngiti niya. "Fuck, yes, I like you but the thought of me liking you gave me disgusting feeling. Yun naman pala ay kapatid kita. I thought at first dahil magkalayo ang agwat natin sa buhay that's why I felt disgusted. Hindi naman pala.. Kasi, kapatid pala kita."
Tumanganga ako sa harap ni Kaio. Bahagya kasing nagtayuan ang balahibo ko sa sinasabi niya.
Natawa siya sa reaksyon ko sabay lapit sa akin at guluhin ang buhok ko. Napatingala pa nga ako kasi matangkad sa akin si Kaio. "Masaya ako na maging kapatid ka." inakbayan niya ako at ginaya papunta sa dining area. Kahit sobrang naiilang ako ay sumunod nalang ako sa kanya.
VOCÊ ESTÁ LENDO
The Strings (Strings Series 2)
Literatura FemininaMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
