ika-apat

12.2K 349 25
                                        


"Ano?!" halos mapatakip ako ng tainga sa tili ni nanay. Paano ba naman ay sinabi ko sa kanya ang lahat lahat. Yung tungkol kay, Bree at sa deal sa akin ng lolo niya.

"Shh.. Wag kang tumili, nay. Baka madinig tayo nila kuya at tatay." pabulong kong sabi. Nahuli ko kasi ang pagbaling sa amin ni kuya Anton habang nakakunot ang noo. Si kuya Jigs naman ay apura ang pag ti-text na tila ba walang pakialam. Ang liit liit pa naman ng bahay namin para hindi nila madinig si nanay. Mabuti nalang at busy si tatay sa kung ano man ang pinapanood niya sa tv.

"Nasisiraan kana ba ng bait, ha, Astrid? At ano ang kapalit ng pag papaaral sa iyo ng mayayaman na iyan? Aalilain ka?" ramdam ko ang inis at concern sa akin ni nanay. Tsaka, alam kong matinding pagpipigil ang ginawa niya para hinaan ang boses niya. Sanay na sanay pa naman si nanay na sumisigaw.

Malambing akong ngumiti sa kanya at niyakap siya sa tagiliran. "Hindi naman po, obligado lang akong pumunta sa bahay nila Bree kapag weekends." malambing na sagot ko.

Alam ko naman kasi ang kahinaan ni nanay. Besides, wala naman masama diba? Mr. Vera Cruz offered his help for me. Hindi ko nga alam kung anong kabaitan ang ginawa ko para biyayaan ako ng ganito.

Bree is one thing. Her family is another thing. Parang sobra sobra na. Matinding paghanga ang nadama ko sa pamilya niya. I guess that's the reason why they are really blessed. Hindi sila madamot at hindi sila mapangmata ng kwapa.

Nahihiya pa nga ako sa sarili ko sa mga pinag iisip ko sa kanila nung hindi ko pa sila nakakasama.

"At ano naman ang gagawin mo doon?" bumaling sa akin si nanay habang nanlilit ang mga mata.

Ngumiti ulit ako. "Hindi ko din alam, nay, e." napakamot ako ng ulo at napanguso.

"Hay nako, Astrid! Tigil tigilan mo ako." umiling si nanay at simulan ulit balutin ang mga kakanin na niluto niya.

"Nay..." huminga ako ng malalim, " Mababait po sila. Inalok ako maging kasambahay sa kanila pero ayaw nila. Lolo ni Bree ang nagsabi na pag aaralin niya ako. Ako po ang hindi pumayag ng walang kapalit dahil nahihiya ako. Kaya lang naman niya sinabi na pumunta lang ako doon every weekends." mahabang pahayag ko.

"Kung gusto ka niyang tulungan dapat ay walang kapalit." masungit na salita ni nanay.

Eh? Saan ako makakakita ng ganoon?

"Wala naman pong kapalit. Ako lang po ang nagpumulit na pumunta nalang doon tuwing walang pasok." sagot ko. Pakiramdam ko ay mauubos ko na ang explanasyon sa utak ko ay hindi pa din ako maiintindihan ni nanay.

"Para saan at pupunta kapa doon?" ulit ni nanay kaya naman napakamot na ako ng ulo.

"Baka po mag momovie marathon kami? O kaya kakain ng kakain? O di--" naputol ako sa pagsasalita ng pandilatan ako ng mata ni nanay.

"Ano ka? Senyorita?" nakita ko ang multong ngisi sa labi ni nanay kaya naman lumawak ang ngiti ko.

"Pinapayagan mo na ako?" ngiting ngiti ako habang nakatingin sa kanya.

Umirap si nanay at tuluyan ng sumilay ang ngiti sa labi niya. "May magagawa paba ako?" lumapit siya sa akin sabay kurot ng mahina sa tagiliran ko. Ngumiwi ako sa bahagyang sakit pero hindi pa din mawala ang ngiti sa labi ko.

"Hindi ko na hawak ang buhay mo.. Lumalaki kana at natuto tumayo sa sarili mo.. Ilang buwan nalang ang mag didisi- otso kana.. Kung iyan ang gusto mo at tingin mo ay matutupad mo diyan ang mga pangarap mo. Susuportahan nalang kita sa abot ng makakaya ko." seryoso si nanay kaya hindi ko maiwasan maiyak.

Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Dahil kay nanay ay hindi ako nagreklamo kung bakit kami mahirap. Dahil kay nanay ay nabuo ang pangarap ko na umahon kami sa hirap. Gusto kong suklian lahat ng hirap niya para sa amin.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now