Anton eating peacefully his onion rings while me stuck staring at him. God! Bakit hindi matapos tapos o magpreno manlang ang pagtibok ng puso ko? Every moment na kasama ko siya pakiramdam ko ay lalo akong nahuhulog. Pakiramdam ko ay hindi na ako makakaahon sa pagkakahulog.
I want to look at him hangga't pwede.. Hangga't malaya ko pa siyang tignan. Alam ko naman kasi na at the moment lang naman kaming pwede maging ganito. When we get home... We'll surely face war.
"Stop staring," malamig na salita niya na nagpasinghap sa akin. Umiwas agad ako ng tingin ng nag-angat siya ng tingin sa akin kasabay ng pagpunas ng gilid ng kanyang labi gamit ang nagpkin.
Ngumuso ako at umiwas ng tingin. "H-hindi naman, ah!"
"I-iiii.. what's with the stuttering words then?" napatingin agad ako sa kanya. Diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin na para bang namamangha.
"Eh," kinagat ko ang labi ko. Nadidistract kasi ako ng mga mata niya na malamig na nakatingin sa akin pero nakakalunod. Nakakatindig ng balahibo kapag ganito si Anton. I mean... Para bang misteryoso na may masamang balak seyo!
Tumayo siya at dumiretso sa akin. Medyo napaatras pa nga ako sa sobrang kaba. Pumikit ako ng mariin ng dumampi ng bahagya ang labi niya sa tainga ko. "I'm all yours, baby.. " he whispered seductively kaya napalunok ako.
Nang dumilat ako ay may ngisi ang kanyang mga labi. "Can't kiss you.. My breath smells like onion.." tumalikod siya. Ako naman ay naiwan nakakanganga! Damang dama ko pa yung kuryente ng pagkakadikit ng labi niya sa tainga ko!
Damn that flirt pervert man!
Hindi ko nga sure kung san ako kinikilabutan. Kasi... Hindi pa din maabsorb ng utak ko na mahal namin ang isa't isa. Parang hindi pa ako maka-move on sa part na kuya ko siya noon.
"Anong oras na?" tanong ko paglabas niya ng kwarto. Medyo natagalan kasi siya bumalik. Nabilang ko na nga kung nakailang hikab na ako sa sobrang tagal niya. Kaya naman pala ay naligo pa siya.
Napalunok pa nga ako ng humalimuyak ang bango niya na gustong gusto ko noon pa. Tapos medyo hapit pa sa katawan niya yung white shirt na suot niya ngaun kaya humubog yung ganda ng katawan niya.
"Why?" kunot noong tanong niya habang inaayos ang buhok gamit ang daliri niya. I can't stop staring with his moves. Kasi... Ngaun ko lang naman talaga nakita at naramdaman kung paano makitungo ng normal sa kanya. Besides... Gusto kong malaman lahat ng detalye ng mga kilos ni Anton.
"Baka kasi.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko ng nag igitng ang panga niya.
Bahagya niya pang tinagilid ang ulo niya na nagpalitaw ng perpektong hugis ng panga niya. "Baka kasi?" he playfully repeated my question kaya napa irap ako. Napa irap ako para itago na kinikilig ako! What the hell is wrong with me? Kahit simpleng pag galaw niya ay parang kinukuryente ako.
"You know I'm with Raj, right?"
Lalong kumunot ang noo niya. "And then?" sagot niya na tila ba nairita siya sa sinabi ko.
"Baka kasi hinahanap niya ako.." kinagat ko ang pang ibabang labi ko at yumuko.
Marahas ang kanyang buntong hininga. "Let him find you.. Or better tell him you're with me.."
Nanlaki ang mga mata ko. "Are you crazy? Gusto mo ba na isumbong niya ako kila mommy? Malalaman nila ito..." kabang kabang salita ko.
Seryoso akong tinignan ni Anton kaya lalong kumalabog ang puso ko. "Takot ka?" seryosong tanong niya.
For a while, nakanganga ako sa tanong niya. Takot is not the issue.. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin nila mommy Sasha kapag nalaman nila ito. They are still furious with the Ibañez. At hindi pa nila nakikita ang mommy nila Anton! I know they still at it dahil minsan ay may imbestigador na nagpupunta sa bahay.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
