Napakamot ako ng ulo sa sa dami ng kailangan kong bilhin. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang buhok ko kakahila ko. Nakapasa nga ako sa scholarship sa isang magandang university pero hindi ko alam kung kaya ko ba itong itaguyod.
"Astrid, kung gusto mong makalbo, ako nalang ang gagawa para seyo.." napa-angat ang tingin ko kay Rosie. Ayan na naman ang malaking laso sa buhok niya. Iniisip ko nga minsan kung pakiramdam ni Rosie ay isa siyang regalo?
Ngumuso ako at tumingin sa kanya na nanliliit ang mga mata. "Tigilan mo ako, Rosalinda, ha! Alam ko nasa isip mo." umirap ako sa kanya.
Bahagya akong napasinghap ng hampasin niya ang braso ko. " Hoy, Astrid! Masyado ka naman! Nagbibiro lang ako." ngumuso si Rosie kaya umiling ako. Nagbibiro? Kilala ko si Rosie, madalas ay kung ano ang naiisip niya ay yun ang ginagawa niya.
"Ewan ko sayo!" sagot ko sabay balik ng tingin sa listahan na hawak ko.
"Ano ba kasi problema mo?" tanong niya sabay hawak ng papel na hawak ko. Isa isa pa niyang binigkas ang mga nakasulat.
"Oh, ano problema mo ngaun?" tanong niya sabay inom ng softdrinks na hawak niya.
"Yun nga ang problema ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambili ng mga gamit na yan." nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Asus, yakang yaka mo yan friendship. Gusto mo ba pahiramin kita ng pera? O bakit hindi ka humingi ng tulong kay.. Anton.." bahagya pa siyang kinilig.
Napanganga ako sa sinabi niya. Sa batang edad kasi ni Rosie ay nagtatrabaho na siya sa isang bar. Hindi ko siya hinuhusgahan dahil sa trabaho niya. Sadyang may mga tao lang talaga na walang pagpipilian paraan para mabuhay. Sa situation niya, siya lang talaga ang bumubuhay sa kanila.
"Alam--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mamalipit si Rosie sa gilid ko at halos mangisay. Napatingin ako sa tinititignan niya na ikinaayos ko ng upo. Matikas na naglalakad si kuya Anton. Halos lahat ng kababaihan na nadadaanan niya ay napapalingon sa kanya.
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tagalan ang mga tingin ni kuya sa akin. Tahimik siya at walang kibo. Minsan ay masungit, pero kapag nagtatama ang mga mata namin? Kumakalabog ng husto ang dibdib ko.
"Ang gwapo gwapo talaga ni, Anton no?" pulang pula ang pisngi ni Rosie.
"Tumigil ka nga! malapit na si kuya, baka marinig ka." sagot ko. "Tsaka, bakit Anton lang ang tawag mo? Mas matanda kaya siya seyo." hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban ko sa mga pinagsasabi ko kay Rosie. Kung tutuusin ay wala dapat akong pakialam sa kung ano man ang tawag niya kay kuya. Siguro, gusto ko lang irespeto niya si kuya kagaya ng pagrespeto ko.
Ngumiwi si Rosie. "Eto naman! Ang ang KJ, KJ mo talaga! Bat ko naman siya tatawagin na kuya, aber? eh hindi ko naman siya kuya. Gusto ko siyang maging asawa.." humagikgik si Rosie kaya napailing ako.
"Umayos ka, Rosie.. Ang bata bata mo pa." sagot ko.
Humalakhak siya. "Kaya ko nang gumawa ng bata, Astrid."
Hays! Sunod sunod ang pag-iling ko. Grabe din talaga ang bibig ni Rosie.
Natahamik na kami pareho ng nasa harap na namin si kuya Anton. Saglit siyang tumingin sa akin.
"Hi, Anton!" bati ni Rosie. Umangat ang tingin ko kay kuya. Malamig ang mga mata niyang tumango kay Rosie.
"Syet! Tinanguan ako.." bulong ni Rosie. Hindi ako makagalaw dahil natatakot ako kay kuya.
"Astrid," tawag niya sa akin. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Nang magtama ang mga namin ay napalunok ako. Ang malamig na mata ni kuya ay nagbibigay sa akin ng kilabot. Hindi naman sa nagyayabang ako, kahit hindi kami close ni kuya Anton ay masasabi kong siya ang pinakagwapong lalaki sa lugar namin. Madaming nahuhumaling sa kanya kahit na mailap siya.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
