"Hi, Astrid." half smiled si Raj habang papalapit sa akin. Hindi nga ako nakakibo kasi kasabay niya yung mommy niya na nakatingin sa akin at nakangiti.
The last time I checked was, galit na galit at halos isuka ako ng mommy niya. Ano nangyari? Bakit sila nandito?
"Astrid.. Sino sila?" bulong ni Rosie habang nakatayo din sa gilid ko. Hindi pa din ako nagsalita. Kasunod ng paglapit sa akin nila Raj ay pagdating ng sasakyan nila mommy. Bakit sila bumalik? Ano ang ginagawa nila Raj dito?
"Sorry to interrupt your bussines today, Sasha.." mommy ni Raj na bungad kay mommy Sasha na papalapit na din sa amin.
"It's okay.. Nandoon naman si Luther para asikasuhin 'yon." ngumiti si mommy at lumapit sa akin. "Kilala mo naman siya diba?" salita ni mommy kay mommy ni Raj habang hinihimas niya yung buhok ko.
Tumingin ulit sa akin yung mommy ni Raj at ngumiti. "Ofcourse, she's one of the reason why we're here." sagot niya.
Kumunot ang noo ko. Bukod sa naweweirduhan ako sa mommy ni Raj, ano naman ang kinalaman ko sa pagpunta niya dito? Sa pagkakaalam ko ay isa ako sa mga taong kinasusuklaman niya diba?
Pumasok kami nila mommy sa bahay. Nakakalungkot pa nga kasi nagpaalam na si Rosie na uuwi na. Bakit naman kasi wrong timing ang dating nila Raj? Wala tuloy akong naging balita kila nanay.
"So.. What brings you here?" basag ni mommy sa katahimikan. Nasa garden kasi kami tapos sobrang tahimik. Katabi ko si Raj sa upuan habang katapat ko yung mommy niya. Si mommy naman katabi ko din sa right side ko kaya di din ako kumikibo.
Besides, ano naman ang sasabihin ko diba?
Ngumiti ulit yung mommy ni Raj at humigop ng tea. "I'll ask for a favor sana," she smiled again.
Feeling ko ang creepy. Bumabalik kasi sa isip ko yung kasamaan nung mommy ni Raj sa akin. The hurtful words and how she humiliated me. Hindi ko tuloy maramdam kung genuine ba yung ngiti niya sa akin.
Tumango din si mommy. Napasinghap pa ako ng bumulong si Raj sa gilid ko. "Hey... How are you?" he sound serious. Napatingin tuloy ako sa kanya. Tutal may tinanong muna si mommy sa mommy ni Raj na hindi ko naman maintindihan.
"Okay naman," tipid na sagot ko. Hindi ko alam. Feeling ko may pader sa pagitan namin dalawa. Well.. Eversince naman may pader na akong tinayo between us. It's just that mas kumapal at tumibay lang yung pader na iyon ngaun. Tsaka, matagal ko din hindi nakita si Raj. Since lolo John died and I stopped from schooling, hindi na kami nagkita or nag usap. Napaka awkward lalo tuloy sa pakiramdam.
"Hindi kana babalik sa school?" tanong niya ulit. As much as I want to keep quiet, kinakausap niya ako like he wanted to prolonge the conversation.
"Hindi ko pa alam." sagot kong tipid. I don't want to be rude pero hindi ko talaga alam kung paano haharapin si Raj or kausapin siya lalo na't nandito yung mommy niya.
Tumango si Raj tapos titig na titig ulit siya sa akin. Ano ba yan! Hindi ba niya alam na hindi ako kumportable sa tingin niya?
"Graduating na ako this March.. Hindi na kita maabutan sa school." he said casually.
Mabuti naman! Kasi ayoko na ng gulo if ever bumalik ako sa school. Alam ko naman na ayaw din ng gulo ni Raj. It's just that if he's around me, palagi nalang may gulo kahit ayaw ko.
"Uh, congrats seyo." sagot ko ulit. Kumunot ang noo niya at mas lalo akong tinitigan kaya hindi na ako makatingin. Tapos bumuntong hininga siya at bumulong ulit. "I miss you, baby.." sobrang soft at warm ng pagkakasabi niya kaya kumalabog ang puso ko.
Kumalabog not because of his words. Dahil... Yung word na baby ay mukha agad ni Anton ang nakita ko. Pumikit ako ng mariin dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako. Sobrang miss ko na si Anton. Ni isang balita wala akong makuha.. Kinuha din kasi nila mommy yung old na cellphone ko. Talagang literal na binubura nila yung mga tao na nakalakihan ko.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
