ika-walo

11K 347 31
                                        


Maaga akong nagising. Narinig ko kasi si nanay na naghahanda na ng mga kakanin para ilako sa palengke maya-maya. Hinayaan ko nalang din ang sarili ko gumising kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako nakatulog masyado.

Nawiweirduhan kasi ako kay kuya Anton. Tsaka, hindi ko talaga siya maintindihan. At nabagabag ako sa hindi ko alam na dahilan. Pinilig ko ang ulo ko. Marahil ay pinoprotektahan lang ako ni kuya. Ako lang naman ang babaeng kapatid niya diba?

Bunso pa ako. Yun lang yon diba? Syempre! Gusto kong batukan ang sarili ko. Ano pa ba ang gusto ko? Kapatid ko siya.. Imposible naman.. Pumikit ako ng mariin. Kapatid ko si kuya diba? Naiisip ko palang ay kinikilabutan ako pero may bahagi sa akin na----

"Aga mo nagising," napatalon ako at napahawak sa dibdib ko ng lumabas si kuya Anton sa likod ko.

Hindi ko gusto itong awkward na pakiramdam. Hindi ko dapat nararamdaman ito. Pero bakit nararamdaman ko?

Nakapantalon siya pero walang pang itaas na damit. Ang buhok niya ay may bahagya pang tumutulong tubig. Halata na kakaligo lang niya. Umiwas ako ng tingin ng dumako ang mga mata ko sa katawan niyang lantad. Goodness! Maganda ang katawan ni kuya. Perpekto at maayos ang pagkakahulma. Hindi ako  sigurado kung ano ang pinag-gagawa niya pero sigurado akong hindi siya mapapagiwanan, itabi mo man siya sa mga sikat na modelo.

"Ok ka lang?" nagtama ang mga mata namin ni kuya. Bahagyang tumaas at kilay niya at halata ang multong ngisi sa kanyang labi. Lumunok ako at tumango. "Oo naman.." sagot ko.

"Parang hindi naman," nakatingin pa din siya sa akin habang pinupunasan niya ang buhok niya. Umirap ako ng palihim.. Bored ba siya sa buhay niya? Bakit ako ang pinapahirapan niya.

Ugh. At paano niya ako pinahirapan? Ako lang yata ang nagpapahirap sasarili ko. Kuya ko siya, end of story. Ano pinaglalaban ko?

Nagkibit balikat nalang ako at nilagpasan siya. Kung ano ano ang nararamdaman ko nitong nakaraan sa pagiging mabait ni kuya. Nababaliw na yata ako.

"Nay," malambing na salita ko. Pumwesto ako sa likuran niya at niyakap siya ng mahigpit. Miss na miss ko na ang nanay ko.

"Ano nanaman ang kailangan mo, Astrid?" seryosong sabi niya kaya napanguso ako. Grabe naman si nanay. Bakit ang cold niya ngaun? May problema pa din ba siya?

"Nay, naman e," nanatili akong nakayakap sa kanya."Miss lang kita, bakit ang sungit mo?"

Bumuntong hininga si nanay at hinarap ako kaya napabitiw ako sa yakap sa kanya. "Pagod lang ako," tipid siyang ngumiti. Parang kinurot ang puso ko. Halata na ang katandaan dahil sa wrinkles ni nanay sa noo at sa gilid ng mata.

Masyado na ba akong nalibang kila Bree? Nakalimutan ko naba ang pangarap ko para sa pamilya? Para kay nanay? Bakit pakiramdam ko naging kumportable ako sa pansamantalang sarap ng buhay na naiibibigay sa akin ni Bree?

"Magpahinga ka muna, Nay.. Tignan mo ang itsura mo.. Para kanang zombie." salita ko. Tahimik pa din si nanay kaya lalo akong nabagabag. Kung nasa normal siya ay malamang kanina pa siya nagsasalita ng kung ano ano. Medyo rude pa naman siya kapag nakikipag biruan sa akin.

Lumabas si kuya Anton na ayos na ayos na. Hindi manlang siya nilingon ni nanay kaya kumunot ang noo ko. May problema ba silang dalawa na hindi ko alam? Tumingin si kuya sa akin at bumaling ulit kay nanay na hindi talaga siya pinansin.

Bumuntong hininga si kuya at lumapit kay nanay. "Nay, sabi ko sayo mananatili ako. Bakit ganyan ka pa din?" tila ba hirap na hirap si kuya.

Mananatili? Aalis ba si kuya? Ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko sila maintindihan.

The Strings (Strings Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon