ika tatlumpu't walo

9.5K 345 61
                                        

Pinapakiramdaman ko ang sarili ko ng magising ako. Sarado pa din ang mga mata ko habang iniinda ang kirot sa bandang balikat ko.

I was shot. And the most painful part is mommy was the one who shot me. I know the bullet wasn't for me pero ginawa ko lang naman iyon to save her.

Hindi na niya kayang kontrolin ang galit niya. She's at point that she's not thinking anymore. She's using her emotions kaya hindi na niya makontrol ang galit niya.

If you'll ask me if I'm mad. I don't know either. Kung nakinig lang si mommy at hindi pinairal ang galit niya ay wala sanang ganito. Nagagalit din ako kay Anton, if he man up for us and take us away from this, edi sana wala nang problema. Nasa punto na ako na hindi ko na alam kung sino ang kakampi ko. Pakiramdam ko ay tinalikuran nila ako kahit na si Anton.

"What the fuck did you do to her?" halos mapalundag ako ng biglang bumulaga si daddy. My eyes were still closed. Ayokong dumilat dahil hindi ko alam kung paano sila haharapin lalo na at alam kong nandito si mommy.

"Hindi ko sinasadya.." hindi ko alam kung ano ang expresyon ni mommy pero mahinahon siya ngaun.

"Hindi mo sinasadya? Binaril mo yung sariling anak mo! What the hell, Sasha!" malakas ang boses ni daddy. I've never seen him this mad. He's always sweet to mommy.

Gusto kong maiyak sa pag aaway nila. Pakiramdam ko ay tama si, Bree. Ako ang anay na sumisira sa masayang pamilya nila noon wala pa ako. Ang kirot sa balikat ko ay hindi ko na ininda. Mas dinadama ko pa ang sakit sa dibdib ko na parang hindi ko na yata makakaya.

"Umalis ang anak mo at sasama sa anak ni Celine! Nagkataon lang na nandoon din si Celine! What do you want me to do? Hayaan siyang sumama sa anak ng kaaway mo?" kahit sumasagot si mommy ay kalmado pa din ang boses niya. Bahagya akong nagulat dahil alam niya na sasama ako kay Anton? How did she know? Huminga ako ng malalim at nagtitimping nakinig sa kanila.

"Umalis siya dahil seyo! In a short period of time na nakilala ko si Astrid, she's kind and smart. Hindi niya gagawin iyon kung sinuportahan mo nalang siya! And you executed your plan poorly. Sino ang nasaktan at nakaratay ngaun jan!"

Dinig ko ang sarcasm sa tawa ni mommy. "Support? I can support her in any ways, Luther. Kahit sino ang gustuhin niya wag lang si Anton! I just want to get my daughter back and Celine be in jail! You think gusto kong barilin ang sariling anak ko?" mom fired back.

"You're unbelievable, Sasha. Ikaw sa lahat ang may alam kung paano magmahal ng pinagbabawalan. We. Know. That. We've been there. Gusto mo ba maulit ang lahat? Gusto mo bang maramdaman niya lahat ng sakit ang hirap? Kung mahal mo talaga si Astrid, susuportahan mo siya sa gusto niya. Anak man siya ng kaaway as long as he loves your daugther too. Besides, walang kasalanan ang mga bata sa kasalanan ni Celine."

"I can't do that. I want justice. At ayokong nang magkaroon ng koneksyon sa kanila." si mommy na nagmamatigas pa din.

Bumuntong hininga si daddy. "You don't want justice. You want revenge. At sa ginagawa mo, anak mo ang napapahamak at nasasaktan. Anong klaseng nanay ka? Anong klaseng pagmamahal yan? Sa lahat ng pinagdaanan mo wala kang natutunan. Kahit masakripisyo si Astrid okay lang basta mangyari lang ang gusto mo! That's so selfish. Hindi na kita kilala, Sasha.. Hindi na ikaw yung babae na minahal ko."

Kumalabog ang pinto hudyat na lumabas na si daddy. Dinig ko ang tahimik na pag iyak ni mommy. Hindi ko binuksan ang mga mata ko hanggang nakatulog na ako.

Nang gumising ako ay wala si mommy pero nandito si daddy. Mabuti naman. Kasi, hindi pa ako handa na kausapin siya.

"Princess," malambing na bati ni daddy sabay haplos ng buhok ko. "May masakit ba seyo? How are you feeling?" the tenderness of dads voice makes me want to cry.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now