ika- labing tatlo

10.6K 346 32
                                        


"Aalis na ako, Astrid." salita ni nanay pagkatapos kung mag urong. Grabe lang! Tinambak lang nila lahat ng pinaggamitan nila kagabi dito sa lababo. Kaya nung nagising ako ay sumakit agad ulo ko sa dami ng kalat.

Hindi ko pa mailigpit ang kalat sa sala kasi nandon si Rosie at kuya Jigs. Naiimagine ko pa nga ang magiging reaksyon nila pag nakita nila na magkatabi sila nakatulog.

"Sige po, ingat po kayo.." humalik ako kay nanay na poker face na naman.. Hay nako! Yan talaga ang maagang ikakatanda ni nanay ang pagiging masungit. Akala ko pa naman okay na sila kahapon ni kuya pero parang ngaun hindi na naman.

Nagtapis ako ng twalya para maligo na. Medyo maaga ako papasok at baka maipit na naman ako sa traffic. Pagbukas ko ng cr bigla akong napalundag sa gulat. Napahawak pa nga ako sa twalyang nakaka-ikot sa akin dahil muntik ng malaglag.

"K-kuya, bat nanjan ka?" gulat na gulat na tanong ko. Napamura nga din si kuya Anton sa gulat. Nakaboxer shorts lang siya while his hair still dripping with water. My goodness! Nagpa-palpitate na naman ako.

Hindi siya makasalita. Nag-iwas siya sa akin ng tingin."Nakakagulat ka." sagot ko. Hindi din ako makagalaw. Hindi ko alam kung bakit.

Huminga ng malalim si kuya Anton pero hindi pa din siya makatingin sa akin. "Ikaw talaga ang nagulat, Astrid?" mahinang nagpakawala ng mura si kuya at umabante para makalabas na siya. "Ikaw kaya ang nangugulat.."sagot niya at saka dumiretso sa kwarto niya. Ang sungit na naman!

Kahit hindi pa ako nakakamove-on ay binilisan ko nalang maligo. Pati pag gagayak ko ay mabilis na mabilis din. Ni hindi ko na nga yata nakuhang magsuklay. Ayoko kasi makasabay si kuya at naalala ko pa din ang itsura niya kanina.

Paglabas ko ng pinto ay napalundag na naman ako. Nakahalukipkip na nakatayo si kuya Anton habang may kung anong pinipindot sa cellphone.

"Tara na?" salita niya. Kumunot ang noo ko. Parang wala naman na yung nangyari kanina sa kanya. Siguro ako lang talaga ang wierdo sa amin dalawa.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Diba ay papasok siya? Bakit nakasabay siya sa akin ngaun? Medyo madami nang tao ang nakakasalubong namin kahit hindi pa ganoon kasikat ang araw.

"Hahatid kita sa school, what time uwian mo?" tanong niya. Natulala ako saglit dahil naghuhurumentado na naman ako. Ano ba ang ginagawa ni kuya? Bakit ang weird niya? At mas lalong weird yung nararamdaman ko.

It's scares me yet it makes me feel something foreign, something I shouldn't feel. But somehow, this feeling makes feel alive. May hindi talaga normal sa akin.

"Umh, okay.. Alas singko ang uwian ko.." sagot ko. Pinipilit maging normal kahit ang daming tanong sa utak ko.

Sumakay kami ng taxi kaya medyo mabilis ang byahe. Ang convenient din pala sumabay kay kuya kasi ayaw niyang nag bubus or jeep. So ayun maaga talaga kaming nakarating sa school.

"Be here at 5, baby.. Be good and be safe for me.." he tapped my head. Pinanuod ko siyang sumakay sa taxi habang pinipigilan lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

Huminga ako ng malalim at pumikit. He's just being your kuya okay? Wag kang mag-adik, Astrid! He's calling you baby and he's being nice to you kasi bunso ka niyang kapatid! Pilit ko iyan sinasaksak sa kokote ko na hinangin na yata!

"You didn't came here yesterday.." napatalon na naman ako sa gulat. Ano ba yan! Palagi nalang akong nagugulat nitong mga nakaraang araw. Feeling ko ma-oospital na ako dahil any time soon maatake na ako sa puso.

"Raj,"

"Glad you still know me," tumaas ang kilay ni Rajan. Bakit naman hindi ko siya makikilala? Adik din tong lalaki na'to.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now