ika dalwampu't anim

11.7K 406 72
                                        

"Ibañez?" kunot noong tanong ni tita Sasha kay tita KS habang na kay Anton pa din ang mga mata.

Ako ay bahagyang napauwang ang labi sa sobra sobrang gulat. Mayroon pa ba akong hindi nalalaman? Alam ba ni Anton na ampon siya? Alam din ba niya na ampon ako? Parang sasabog ang utak ko sa dami ng impormasyon na pumapasok.

Kaya ba malakas ang loob niya na sabihin sa akin na mahal niya ako? Kasi alam naman pala niya ang totoo? Kaya ba wala siyang takot na iparamdam sakin na gusto niya ako kahit magkapatid kami dahil alam niya naman na hindi totoo?

Pumikit ako ng mariin sa dami ng tanong sa utak ko. Kung alam ni Anton ang totoo... Ibig sabihin... niloko niya din ako! Hinayaan niya ako sa mabuhay sa kasinungalingan. Hinayaan niya ako na mabuhay at maniwala sa hindi naman dapat!

Nalaman ko ang totoo. Inamin ni nanay na ampon ako pero bakit mas mahirap na isipin na kung alam din ni Anton ang totoo, mas masasaktan ako.

Pinagkatiwalaan ko siya. I trust him not to hurt me like he said to me, in every way. Sana lang... Sana lang... Hindi din niya alam. Iniisip ko palang, sumasakit na ang puso ko.

"Is he related to Blake Ibañez?" nanginginig na salita ni tita Sasha.

"Ma'am, mawalang galang na po.. Pero si Astrid ho ang pinaguusapan natin dito." pagsabat ni nanay na iyak pa din ng iyak habang nakatingin kay Anton na halatang nataranta.

"Yes." si tita KS ang sumagot kaya napatingin kami sa kanya. Si Anton ay bahagyang pumikit at yumuko habang umiigting ang panga.

"Paano?" napabitiw ng hawak sa akin si tita Sasha. Si tito Luther ay seryosong nakikinig sa kanya gayun din si tito Eros.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Halos wala nang hangin na lumabas sa ilong ko habang hinihintay ang pagsasalita ni tita KS.

"Anak siya ni Blake Anderson Ibañez of Ibañez airlines. The former stock holder of VC aircrafts. Actually, they're two.. They're fraternal twins. Brent and Anton Ibañez." diretsong salita ni tita KS. Napatingin ako kay Anton na nag angat ng tingin. Nagtama agad ang paningin namin kaya mabilis akong nag iwas. Para kasing... Nakikita ko ang nararamdam niya sa malulungkot na mga mata niya. He looks so broken yet his eyes willing to mirror his soul.

Now it made sense kung saan nanggagaling ang pera ni Anton. Pero bakit ba hindi ako nagulat? I mean... I should be astounded right? Noon pa man kasi.. Alam ko na may iba kay Anton kahit lumaki kami ng magkasama. Ngaun ko lang naintindihan kung ano at bakit.

"Holy hell.. How come na may anak si Blake?" si tito Eros na gulat na gulat.

"How did you get the info?" si tita Sasha.

Nagkibit balikat si tita KS. "When uncle John died. Hindi ako matahimik kakahanap kay Astrid. I want to finish what he was started. Got some info kaya nagpainvestigate ako."

"This is crazy! Paano napunta ang anak ko at anak ni Blake kay Estrancia Dela Cruz? Si Blake ba ang kumuha sa anak ko? Kung siya ang kumuha.. Bakit pati anak niya ay na kay Estrancia?" gulong gulong tanong ni tita Sasha.

Si tito Luther ay nakatitig kay Anton na tahimik lang at hindi na makapagsalita sa gilid.

"Hindi na yan naabot ng research ko. I'm sorry.. Isa lang ang makakasagot lahat ng tanong niyo.." salita ni tita KS sabay tingin kay nanay na natigilan. Mukha kasing natatakot siya dahil lahat kami ay literal na nakatingin sa kanya.

"A-ano...po.." yumuko si nanay na tila ba nagiisip kung magsasalita o ano.

"Nay.. It's okay.." mahinahon pero malamig na salita ni Anton.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now