ika- dalawampu

10.7K 352 38
                                        

"Nay, hindi pa po ba umuuwi si kuya Anton?" tanong ko. Kahapon kasi ay maaga akong umuwi dahil hindi na ako pumasok. Tapos hindi naman natuloy yung dapat lunch namin ni lolo John.

Hindi ko pa din maiwasan na malungkot. Ewan ko nga din kung bakit ako nalulungkot. Nasasayangan lang kasi ako sa pinagsamahan namin ni Bree. Besides, may utang na loob din naman ako sa kanya. Kasi kung hindi niya ako pinakilala kay lolo John noon, hindi sana ako nakapasok sa university.

Yun pa, hindi ko din alam kung bakit magaan ang loob ko kila lolo John lalo na kay tita Sasha. Nakakapanghinayang lang talaga. Pero siguro, ayos na din ito. Totoo naman na hindi ako bagay sa mundo nila.

"Hindi pa din nga, hindi ko alam kung ano problema ng kuya mo." napabuntong hininga si nanay. "Simula ng umuwi kayo dito galing sa Batangas ay hindi na iyon kumibo."

Nagpunas ng kamay si nanay sa bimpo at hinarap ako. Palagi nalang hindi ako makatingin sa kanya kasi pakiramdam ko may gusto siyang malaman sa mga mata ko.

Tapos nakokonsensya pa ako dahil kay kuya. Hindi ko na din alam! Gustong gusto ko siyang malapit sa akin pero hindi ko naman makayanan kapag malapit siya sa akin.

"May nangyari ba sa inyo na hindi mo sinasabi?" nanliit ang mga mata ni nanay na tila ba nang aakusa. Lumunok ako ng bahagya para ibsan ang kaba.

"Wala ah!" sagot ko.

"Sigurado ka, Moon Astrid?"

Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na may ginagawa sa cellphone ko. Kahit ang totoo ay tinitigan ko lang naman yung picture ni Anton.

Anton? Grabe lang! Ako lang naman ang nakaka alam diba? Hindi naman nila alam na sa kaloob looban ko, ayoko talagang maging kapatid si kuya.

"Wala nga, nay.." sagot ko.

Hindi pa din mawala ang duda sa mata ni nanay kaya hindi ko din siya matitigan ng matagal. "Sige, magbihis ka at aalis tayo." salita niya.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. Bihira lang kasi ako ayain ni nanay na lumabas dahil magastos daw. At saka tinatamad din akong lumabas. Hindi nga ako pumasok ngaun e. Gusto ko kasing ipahinga ang sarili ko, physically, emotionally and mentally.

Kumunot ang noo ni nanay. "Nakalimutan mo ba?" tanong niya.

Nakalimutan? Ano naman ang makakalimutan ko?

"Ang alin po?" sagot ko.

Tumaas ang kilay ni nanay. Ayan na naman! Nagsusungit na naman siya!

"Ano ba ang pinag iisip mong bata ka? Nakalimutan mo ba na birthday mo ngaun?"

Birthday ko? Anong date naba? Tumingin ako sa calendar ng cellphone ko na ikanalaglag ng panga ko, October 11, 2017, Birthday ko nga!

"Oo nga, nay, debut ko ngaun." sagot ko.

Naiiling si nanay na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Happy birthday, Moon Astrid.." ang higpit ng yakap ni nanay, yung tipong hindi na ako makahinga. "Nung dumating ka sa buhay ko, isa yun sa pinakamasayang araw sa buhay ko."

Naramdaman ko ang higpit ng yakap at pagluha ni nanay kaya naiiyak ako. Hindi ko alam pero napagaan ni nanay ang pakiramdam ko. Maswerte pa din ako kasi meron akong nanay na mahal na mahal ako. Na kahit husgaan at maliitin ako ng mundo ay nandito siya sa tabi ko para ipakita na ako ang pinakamahalagang tao sa mundo.

"Lumalaki kana at malapit malapit nang dumating ang panahon na iiwanan mo ako, pero tandaan mo anak.. Kahit ano pa ang mangyari at malaman mo, gusto ko lang malaman mo na totoong pagmamahal ang binigay ko seyo."

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now