Sabado ngaun. Hindi ako makapaniwala na nalagpasan ko ang isang linggo sa school na kahit araw araw ay nabubully ako. I aprreciate Bree being my savior. Kapag may magtatangkang apihin ako ay siya palagi ang tagapagligtas ko.
Minsan nga ay nahihiya na ako lumapit sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay ako ang dahilan kaya madalas siyang mapaaway sa school. I tried to distance myself to her para malayo siya sa away.
"It's fine, Astrid! Bestfriend kita so I'll be here to save you. Always." dama ko ang pagtatampo sa boses niya.
"Pero," sagot ko. Natutuwa ako that she's claiming me as her bestfriend. She accepted me wholeheartedly. Aarte paba ako? Ang akin lang naman ay ayoko siyang madamay sa mga issues ko sa mga bitch na nag aaral sa school.
"No buts. Okay?" umirap siya at kinaladkad na ako.
Days passed and I'm not bullied more often. Minsan minsan nalang kapag hindi ko kasama si Bree. Madalas kasi ay pinupuntahan niya si Rajan after class. Pinipilit niya nga akong sumama sa kanya pero ako lang ang palaging umaayaw.
"Aalis kana ba?" tanong ni nanay ng makalabas ako sa kwarto. Tumango ako at sinuklay ang buhok gamit ang daliri.
Lumapit ako kay nanay at inagaw ang sandok na pinanghahalo niya ng bibingka. "Ako na, Astrid. Baka madumihan kapa." sagot ni nanay.
Umiling ako ng bahagya at nagpatuloy. Mayroon pa naman akong isang oras para makarating sa mga Dela Fuente.
"Ako na nay. Tutal ay malapit na naman maluto." sagot ko at nagpatuloy sa paghalo.
"Tigas ng ulo mo," masungit na salita ni nanay kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. Mukhang hindi yata maganda ang gising ng nanay ko.
Binitawan ko ang sandok at hininaan ang apoy ng kalan. Lumakad ako sa kanya na halos mapunit na ang mga dahon ng saging na hiniwalay hiwalay niya.
"May regla kaba nanay? Diba ay menopause kana?" natatawang tanong ko. Nawala ang ngiti ko ng nakasimangot pa din siya at malakas na tumikhim.
"Tigilan mo ako, Moon Astrid ha!" iritado siya kaya napailing nalang ako.
"May problema po ba?" tanong ko. Namimiss ko lang naman si nanay at naglalambing lang ako. Simula kasi nag aral ako ay hindi na kami masyado nagkakausap. Bihirang magsungit si nanay. Kapag ganyan siya ay karaniwan ay may problema siya. Ano kaya iyon?
Huminga ng malalim si nanay at hinarap ako. Natigilan pa ako dahil sa lungkot ng mga mata ni nanay. "Wala ito, pagod lang ako. Sige na, umalis kana." malumanay na siya ngaun pero ramdam ko ang bigat sa mga salita niya.
Tumitig ako sa kanya at sa huli ay huminga ako ng malalim. Alam kong may dinadala si nanay na ayaw niya lang sabihin. Alam ko yan, anak niya ako diba?
"Nay," napatingin ako kay kuya Anton ng tawagin si nanay. Seryoso ang mga mata ni kuya na normal naman sa kanya. Tumingin siya sa akin at bumalik ang tingin kay nanay na nagkunwaring hindi siya nadinig.
Nagbalik balik ang tingin ko sa kanya. Ano ang problema nila? Hindi karaniwan ganito si nanay. She's bit witty at malapit sa aming tatlong magkakapatid. Bakit ang lamig niya kay kuya?
Bumuntong hininga si kuya Anton tanda ng pagsuko. Mabilis na tumalikod si nanay na bahagyang suminghot. Lalapitan ko sana siya ng bigla akong tawagin ni kuya Anton.
"Ihahatid kita, Astrid." hindi iyon tanong, tila ba utos iyon at hindi ka pwedeng tumanggi. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya o suaundan ko si nanay. Sa huli, bumuntong hininga nalang din ako at sumunod kay kuya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni kuya ng makalabas kami. Natigilan ako. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Sa bahay kasi ay si nanay lang ang nakakaalam ng nangyayari sa buhay ko. Ayos lang kaya kay kuya kapag nalaman niya? At bakit kumakalabog na naman ang dibdib ko? Kinakabahan ba ako? Bakit naman ako kakabahan? Tinanong lang naman ako ni kuya diba?
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
