Malakas na hampas ng hangin at mahihinang pagkulog ang naririnig ko mula sa labas. Napatingin pa ako sa glass window ng councils office, medyo madilim ang langit na tila ba nagbabadya ng pag iyak.
Pagkatapos na magpulong ang prof ko kasama si Rajan at si Mr. Glen ay bumaling sila sa akin.
With my prof's sorry eyes staring at me, she let out a heavy sighed. "I'm sorry for accusing you instantly Ms. Dela Cruz."
Tumango ako at bahagyang ngumiti. Bigla nalang gumaan yung pakiramdam ko kasi napatunayan na hindi talaga ako nanloko o nandaya.
"Pwede na po ako kumuha ulit ng exam?" tanong ko.
Tumango ang prof ko, "But apparently, we found out that Claire and Bree throw you the paper. Hindi kapa makakapag exam ngaun, pinatawag na ni Mr. Silverio si Bree and Claire together with their parents."
Nanlaki ang mata ko sa gulat. Akala ko kapag nalaman na hindi ako nandaya ay matatapos na ito. Bakit kailangan pa sila ipatawag pati ang mga parents?
"Huwag na po!" sagot ko agad.
"It's a protocol of the university, Astrid. They did something wrong so they need to be punish." si Rajan ang sumagot na halatang iritable pa.
Nakita kong may kausap si Mr. Glen sa cellphone niya kaya lalo akong kinabahan. Narinig ko pa kasi ang pangalan ni tito Luther at seryosong boses niya.
Lumunok ako at nilaro ang daliri sa kaba. Wala naman na kasi akong plano na magreklamo pa sa ginawa ni Bree. Okay na naman ako na nalaman nila na hindi talaga ako nandaya. Kapag nakaharap ko sila dito ay alam ko na bagong gulo na naman iyon.
Ayoko lang patulan si Bree dahil na din kay lolo John at tita Sasha. And besides, sikat na nga ako sa school ay mas lalo na naman ako sisikat.
"Hindi po ba fair kung pati parents ni Astrid ay ipatawag natin dito?" biglang singit ni Raj kaya nanlaki ang mga mata ko. Naku naman! Hindi ko na nga gustong pahabain kaya wag na nila patawag si nanay dito!
Tumingin sa akin si Mr. Glen, tila ba nagtatanong ang mga mata niya.
"Huwag na po, ayoko naman po pahabain ito." sagot ko sabay yuko.
Tumikhim si Raj. "Tss... Why do you always let them bully you? Bakit hindi ka lumaban?" sagot niya.
Tumingin ako kay Raj. Si Mr. Glen naman ay nakatingin lang sa amin dalawa. "Kapag ba lumaban ako titigil sila?" bumuntong hininga ako. Nafufrustate kasi ako na pinupush ni Raj yung bagay na ito.
"Diba kapag lumaban ako mas hahaba lang? Kapag lumaban ako lalaban sila pabalik diba? It's an endless cycle, Raj. I don't want that. Gusto ko lang makapag aral at makatapos ng tahimik."
Umiling si Raj na tila ba dismayado sa sagot ko. "Why are you so nice? I got your point, Astrid. It's just that being nice is not good all the time. You think Bree will stop if you don't fight back? You really don't know her then." he said seriously then his jaw clenched.
Siguro nga hindi ko kilala si Bree kagaya ng pagkakakilala niya. Pero, tinuring ko naman talaga pamilya si Bree. At para sa akin, kahit ano pa man ang mangyari ay hindi mababago iyon. Nagalit lang naman siya sa akin dahil seyo!
Syempre sa utak ko lang sinabi 'yon.
"Siguro nga hindi ko siya ganoon kakilala, pero kaibigan pa din ang turing ko sa kanya." sagot ko. Umiling si Rajan na mukhang iritado at tinalikuran ako.
Napatingin ako kay Mr. Glen na titig na titig naman sa akin.
"Bakit po?" Tanong ko agad. Mabilis siyang napaayos nang upo na tila ba natauhan sa pagsasalita ko.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
