"Huy! You look constipated. Chill ka lang.. Mabait si mommy at daddy." kindat ni Bree sabay hawak sa kamay ko.
Huminga ako ng malalim at tumunganga sa malaking gate sa harap ko. Isang exclusibong subdivision nakatira sila Bree.
Sa balita or sa magazine ko lang naririnig ang subdivision na ito. Elite people live here, mga politician, artista at mga mataas na tao sa alta de syudad. Pero ngaun? Hindi ako makapaniwala na literal akong nandito sa loob ng subdivision.
The houses here were modern at malalaki. Ngaun ay parang sinampal ako ng katotohonan kung gaano ako kaliit kumpara kay Bree.
Unti unting bumukas ang malaking gate nila kahit wala naman tao na nagbukas. Napanganga ako ng ipakita ni Bree sa akin ang isang pod na hawak niya at kumindat. Itinuloy ng driver niya ang pagpasok sa malaking bahay.. Hindi lang basta bahay.. Mansyon ang bahay nila Bree.
"The gate is automatic.." salita ni Bree kahit hindi ko naman tinanong. Ayoko lang na isipin niya na masyado akong ignorante kahit iyon naman ang totoo.
Dumoble ang kaba sa dibdib ko ng bumungad sa akin isang pagkalaki- laking bahay. Ipinarada ni manong ang sasakyan nila Bree sa gilid kung saan madaming magagarang sasakyan din ang nakaparada.
Napatingin ako kay Bree.. Hindi lang siya basta mayaman. Mayaman na mayaman siya yet napaka bait niya.
Inayos ko ang sarili ko kahit wala na itong iaayos pa. Lumabas si Bree sa sasakyan at nilahad ang kamay sa akin.
"C'mon, Astrid. My parents wont bite you.." natatawang sabi niya. Ngumiti ako ng tipid at huminga ng malalim.
"Nakakahiya," salita ko ng makalabas kami. Naiisip ko kasi ang napapanuod ko sa tv o nababasa ko sa libro. Mga magulang na matapobre, magulang na mayaman na ayaw makipag kaibigan ang anak nila sa isang dukhang tulad ko.
"Sus, don't be. I told you, my parents are nice.." hinila na akong tuluyan ni Bree.
"Okay," sagot ko at nagpahila na. Kinalma ko ang sarili ko at hinanda sa kung ano ang matatanggap kong mararahas na pangungutya. I've never been invited by a rich friend. I don't have bigtime friend actually. Kami ni Bree? Hindi ko talaga alam kung ano kami pero naapreciate ko naman ang pagiging mabait niya sa akin.
"Bree, nandito kana pala." salubong ng isang kasambahay na medyo may katandaan na. Malaki ang ngiti niya kay Bree at ganoon din ang ngiti niya sa matanda.
"Opo, nanang Opel," hinila na niya akong tuluyan. Bahagyang kumunot ang noo ng matanda habang nakatingin sa akin.
"May kasama ka pala," malamig na salita ni nana Opel. Napalunok ako ng bahagya sa lamig ng boses ng matanda.
"Yes po, she's my new bestfriend, si Astrid po." pakilala niya sa akin.
Malamig lang nakatingin ang matanda sa akin kaya may kung anong kilabot akong naramdaman. Tila ba sa tingin niya ay sinasabi niya na hindi niya ako gusto na maging kaibigan ni Bree.
"Magandang hapon po," salita ko kahit natatakot ako at nanginginig. Kasambahay palang nila ang nakilala ko pero parang mamatay na ako sa sobrang kaba na nadadama ko.
Seryoso pa din ang matanda at bahagyang tumango. "Magandang hapom din." sagot niya na hindi maalis ang titig sa akin.
Tumawa si Bree dahilan para mabawasan ang kaba ko. "Don't look at her like that, nanang.. You're creeping her out." humagikgik ng mahinhin si Bree. Nag-iwas nang tingin ang matanda sa akin.
Tumikhim si nanang, "Mag-ayos kana," sagot niya kay Bree. Natigil si Bree sa pagtawa.
"N-nandito si lolo John?" mahinang sagot ni Bree. Napatingin ako sa kanya. Nawala kasi ang sigla sa mukha niya at tila ba kinabahan ng bahagya.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
