ika-dalawampu't tatlo

10.1K 351 51
                                        


Dead on arrival ng makarating sa hospital si lolo John. Parang gumuho ang mundo ko habang pinagmamasdan ang katawan niya na tinatakluban ng puting kumot.

Hindi ko alam kung bakit niya ako niligtas. Dapat ako yung nasa pwesto niya, e. Dapat ako ang nakahiga jan ay may takip ng puting kumot.

Matanda na si lolo. Ni hindi niya man lang nasabi sa akin yung about sa DNA. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit kami magkikita diba? Kaso hindi ko din alam kung bakit nandoon sila Bree.

Kung hindi naman talaga ako sumagot edi sana hindi ako kinaladkad ni Bree at tinulak. Edi sana hindi ako ililigtas ni lolo at hindi siya dapat namatay.

Lalo akong napaiyak sa kaisipan na ako ang dahilan kung bakit nanjan si lolo ngaun. Dapat ako nalang!

Hindi ko alam kung paano ako haharap kay tita Sasha. At hindi ko alam kung paano ako babangon sa bangungot na ito.

"Ma'am, kaano ano po kayo ng namatay?" parang pinukpok ng bato ang puso ko sa tanong ng isang nurse. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at humihikbing hinarap siya.

Blangko ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Siguro sanay na sanay na siyang nakakakita ng ganitong eksena kaya balewala nalang sa kanya.

Sana lahat ng tao ganoon, yung tipong tanggap mo ang mga ganitong pangyayari. I mean, we all know na lahat naman tayo ay mamatay. We just don't know when or how. But lolo's death was tragic.

I remember his sad eyes. Kung paano ako nakumbinsi ng mga mata niya na magpa DNa test. Yung mga mata niya na puno ng pag-asa at umaasa na ako yung matagal na niyang hinahanap. Ngaung wala na siya, how can his spirit be free and happy knowing na may kulang pa din nung nabubuhay siya? now that he's gone.. Paano na mahahanap yung nawala sa kanya?

"Lolo ko po." sagot ko. May kung anong sinulat ang nurse tsaka ako tinalikuran.

"Astrid, si p-papa?" nanginginig na salita ni tita Sasha na bumungad sa harap ko. Nanlambot ako lalo at nagbadya na naman ang pagtutubig ng mga mata.

Sa likod niya ay si Bree na tulala at si tito Luther na pulang pula ang mga mata. Umiwas ako ng tingin at tinignan ulit ang walang buhay na katawan ni lolo na may takip na.

Tita Sasha walks slowly hanggang makarating siya sa harap ng katawan ni lolo. Dahan dahan niyang binuksan ang kumot at tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya sabay yakap kay lolo.

Lalo akong nadurog sa eksena na nakikita ko. Lalo kong hindi mapigilan ang sarili ko na sisihin kung bakit nawala si lolo John.

"Pa! God! This is not true!" humagulgol ng iyak si tita Sasha kaya mahigpit siyang niyakap ni tito Luther.

"Luther, please tell me this is just a nightmare! Sabihin mo na hindi pa patay si papa!" iyak ng iyak si tita Sasha kaya lalong umagos ang luha sa mga mata ko.

Damang dama ko kung ano ang sakit na nararamdaman niya. Literal na nadudurog ang puso ko sa pagkawala ni lolo John. He's not my family pero pakiramdam ko ako yung namatayan. Ako yung nawalan.

"Shhh..." pumatak ang luha ni tito Luther habang nakatingin kay lolo John at hinihimas ang likod ni tita Sasha.

Mabilis akong tumakbo para lumayo at huminga. Hindi ko kayang mag-stay doon at panoorin ang pagdadalamhati nila knowing I am the reason why lolo's gone now.

Kinabukasan ay tulala akong nakaupo sa kama ko. Hindi ako nakatulog dahil paulit ulit sa utak ko yung nangyari.

"Astrid, anak." pumasok si nanay sa kwarto ko na may dalang pag kain. Halata sa mukha niya ang labis na pag-aalala sa akin.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now