Malamig ang simoy ng hangin ang lumapat sa pisngi ko ng makarating ako sa field kung saan may orientation na magaganap sa pagsisimula ng pasukan. Bree asked me to wait for her. Naiwan pa din kasi siya sa clinic kasama si Rajan at Kaio.
Hanggang ngaun.. Hindi ko pa din mapagtanto kung kaibigan ko na sila o ano. Still, nagpapasalamat ako at hindi naman lahat ng tao dito ay ginawa para apihin ako.
Madaming studyante ang nagkalat sa lugar. Maingay sa kanyang kanyang usapan habang ako ay parang naligaw ng landas.
May ilang mga faculties sa stage na tila ba maghahanda sa pagsisimula. Saan ako pupwesto? Saan kami magkikita ni Bree? Ugh! Hindi ko naman kasi naisip kanina na ganito kadami ang tao dito.
Hindi ko din naisip or natanong sila Bree kung saan kami pupwesto.
Lumakad ako sa side sa kanan front seat na malapit sa stage. The people eyed me instantly. I looked away.. Mapanghusgang ang mga mata nila at tsaka magbubulungan. Minsan naiisip ko, bakit kahit wala ka naman ginagawang masama ay pinapansin at pinapansin ka ng tao?
Is it because of my physical appearance? I pity them for judging people by their looks.
Hindi naman basehan ang itsura at kasuotan ng tao para irespeto. Nasa tao mismo iyon kung karapatdapat sila irespeto.
"That seat is taken," napabitaw ako sa monoblock na hawak ko ng magsalita ang isang babae sa di kalayuan. Their group stared at me with disgust. I breathed heavily. Here we go again. Hindi ko akalain na nag-aaral ako sa "Bitch university".
"Wala naman nakaupo,e." sagot ko diretso ang tingin sa mga mata niya. She rolled her eyes dramatically. Her friends eyes bit widened.
"I have a ghost friend and that seat is reserved for her." She said. Ako naman ang madramang umirap ng nagtawanan sila. Seryoso? Ano naman ang nakakatawa? Is she joking? Then, I find her joke corny..
"Uupo na ako," sagot ko pa din sabay hila ng upuan. Nagsimula itest ang microphone sa stage kaya napatingin ako doon. Nang uupo na ako ay napangiwi ako bigla. Himas himas ko ang pwet ko habang matindi ang pag ngiwi. Ilang tawanan ang narinig ko sa paligid.
"I warned you!" nakangisi ang babae habang hawak ang monoblock na dapat ay uupuan ko. Napatingin pa ako sa grupo ng kalalakihan sa gilid na lahat ay nakangising nakatingin sa akin.
Pinagpagan ko ang pantalon ko at pumikit ng mariin. Why are these people acting like a child? Nasa kolehiyo na kami pero asal bata pa din. I can't believe I have to deal with these kind of people.
"Ayoko ng gulo, " sagot ko sa babae.
Tumaas ang kanang kilay niya. Napa- O naman ang ilan sa paligid.
"Really? Then you shouldn't be here!" sagot niyang mataray. Bumuntong hininga ulit ako tanda ng pagsuko. Siguro ay babalikan ko nalang si Bree sa clinic.
"And who gave you the right to say that?" nanlaki ang mata nung babae sa nagsalita. Lahat halos ay napaayos ng upo. Hindi ko kilala kung sino ang nagsalita pero halata sa mukha nila ang takot.
"ahh..." nauutal na sagot ng babae. Tila ba nawala lahat ng tapang niya at nagtago kung saan. Ang mga kasama niya kanina ay unti unting umatras.
"You know the rules, missy.. Bullying others in this school is a big crime." malamig na salita ng lalaki sa likod ko. Lumunok ang babae at tila ba nahirapan huminga sa takot. Ang matapang na mata niya ay napuno ng takot.
Nanatili ang titig ko sa babae. Gustong gusto kong lingunin ang lalaki sa likod pero hindi ko magawa. I kinda enjoying the girls face now. Ano ka ngaun, ha!
"I'm not bullying her Mr. Simon. A-ano kasi..." kinakabahan sagot ng babae. Tumikhim ang lalaki sa likod ko kaya lalong namutla ang babae.
"Your name?" sagot nung lalaki.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
