ika-labing isa

10.2K 325 36
                                        

Dug.. Dug.. Dug..

Kabang kaba ako habang sinusundan si lolo John na pumasok sa loob ng ospital. Tama ba ang naging desisyon ko na pumayag sa gusto niya? Masyado ba akong pabigla bigla?

Kasi, habang nasa byahe kami papunta dito ay naiisip ko lahat ng possibilities na pwedeng mangyari sa DNA test na ito. Though, alam ko naman sa sarili ko na talagang anak ako ng nanay ko.

Sino ba kasi ang hinahanap niya? Sino ba ang nawala? Bakit hindi niya masabi kay tita Sasha? Ano ba talaga ang nangyari noon at ganito katindi ang epekto kay lolo John?

Akala ko perpekto ang pamilya nila pero nagkamali ako. Kung titignan mo mabuti, mas mahirap ang mental at emotional torture ang nangyayari both sides. I mean, kung ano man ang mga ginagawa ni lolo ay siguradong may dahilan. Yung nga lang, never sila nagmeet sa gitna ni tita Sasha dahil hindi sila nagkakaintindihan.

Hays.. Kahit ako naman hindi ko sila maintindihan.

"Where are you son?" napatigil ako sa paglalakad ng huminto si lolo sa isang kwarto. The people around the place seems normal. Si lolo John naman medyo mukang okay na at kalmado. Ako nalang yata ang parang mahihimatay sa gagawin namin.

Bakit nga ba ginagawa ko ito? Bakit may parte sa puso ko na naawa kay lolo John? Bakit may bahagi sa akin na hindi siya kayang tanggihan? Ang daming bakit sa utak ko pero sa huli, nananaig pa din sa akin yung kagustuhan kong matahimik si lolo.

Mukha kasing totoong mabigat ang pinag dadaanan niya kahit ayaw niya naman sabihin ng diretso. Besides, wala naman mawawala sa akin kung susundin ko si lolo. Medyo nakokonsensya lang ako dahil hindi ko alam kung kaya kong sabihin kay nanay ang pangyayari na ito sa buhay ko.

"We're in hurry son.. Mauuna kami. I don't want Astrid to go home late. Baka magalit ang pamilya niya." sagot ni lolo. Siguro si tito Eros ang kausap niya.

"Okay.. Just be here for me at least. Be safe son." tapos binaba na ni lolo yung tawag. Nakaka-bother pa lalo yung mga body guards niyang naka-ikot sa amin.

Lalo tuloy ako kinakabahan sa kanila. Kasi feeling ko may mangyayaring hindi maganda kasi ang dami dami nila.

"Are you sure, Astrid? Wala na itong atrasan.. This thing could change your life in an instant kung ikaw talaga siya." seryoso si lolo.

Ngumiti ako at tumango. Hindi ko na masyadong dinibdib yung "this thing could change your life" .  Alam ko naman na hindi ako ampon. Aasa lang ako kapag pinaasa ko ang sarili ko. Besides kaya lang naman talaga ako nandito para matahimik din si lolo. Diba nga sabi niya kung hindi ako yung hinahanap niya, he'll stop.

Pumayag ako kasi gusto ko nang tumigil na si lolo. Kitang kita ko naman kasi sa kanya kanina na sobrang pagod na siya.

"Good morning Mr. Vera Cruz.." isang magandang babae ang bumati kay lolo John ng makapasok kami sa loob ng kwarto. Napatingin ako sa table nung magandang doctora, Dr. Kenneth Shane Villarama- Mercado.

Grabe. Parang ka-age niya lang si tita Sasha pero pareho silang sobrang ganda.

Tumingin sa akin ang doctora at ngumiti kahit bahagyang nakakunot ang noo niya. So ngumiti na lang din ako kahit nagtataka ako.

"Again, Mr Vera Cruz?" sumeryoso siyang nakipag usap kay lolo John. Umupo muna ako sa bean bag dun sa gilid kasi nag uusap sila. Good thing parang kasali ako sa usapan kasi naririnig ko naman ang pinag uusapan nila.

"Pang 164 na siya." sagot ulit nung magandang doctora. "I don't want to meddle sir, but.. Aren't you tired of looking for her?"

Umiling si lolo John." As much as I want to get tired. I couldn't, you know that.. But I promise you that she's the last. I'm not getting younger anymore.. Maybe  I'll accept the fact that I will never see her again.." seryoso lang si lolo pero ayan na naman yung malulungkot niyang mga mata.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now