ika tatlumpu't anim

8.7K 298 57
                                        

Kabang kaba ako habang papasok yung sasakyan sa gate ng mansion. Anton dropped me hesitantly where he fetched me.

Tumunog ang cellphone ko na literal na nagpalundag sa akin.

Anton:

I'm just outside.

Huminga ako ng malalim. He planned this. Ayaw niya akong bitawan kung hindi ko siya papasunurin sa amin. Gusto din niya ako tawagan kahit hindi kami mag uusap. Hindi ko nga alam kung lalakas ang loob ko o lalo akong kakabahan sa pinapagawa niya. He told me that he wants to listen and be my rescue if somethings happen. Hindi talaga siya natatakot. Sabi niya, kaya hindi din siya gumagawa ng paraan for us because he wants me to be ready, for everything.

Pagod akong bumaba ng sasakyan. Si Bree ang sumalubong sa akin habang nakataas ang kilay.

"Suit yourself." ngumisi siya tsaka ako tinalikuran.

Kumalabog mg husto ang puso ko sa kaba. Ano ang ibig niyang sabihin? Pagpasok ko sa loob ay natigilan ako. Madaming tao. Even Rajan and his mom are here.

Kaya pala ang daming sasakyan kanina sa garage. I just don't have the strength to notice it kasi okupado ng tawag ni mommy ang utak ko.

Nagvibrate ang cellphone ko hudyat ng tawag ni Anton.

"Are you done with school?" si mommy na parang natataranta. "Is there something weird or someone weird you noticed?"

Dahil sa sunod sunod na tanong ni mommy ay hindi ko na nasagot ang tawag ni Anton. Mabilis na lumapit si daddy Luther sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Are you okay, Astrid?" nag aalala din si daddy. Kumunot ang noo ko at tumango. Nagkatinginan sila ni mommy Sasha at sabay nagpakawala ng buntong hininga.

"So what to do now?" si mommy binalingan yung isang lalaki. I know that guy. Siya yung may hawak ng kaso namin sa kay Celine de Ocampo.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko sa kanila. Si Raj ay diretsong nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Wala nang bakas ng pananakit sa kanya ni Anton pero natatakot pa din ako sa lamig ng tingin niya sa akin.

Nagvibrate ulit ang cellphone ko pero hindi ko na magawang pansinin sa takot ko sa mga mata ni Raj na halos hindi kumukurap.

Bumuntong hininga si mommy. Bumaling siya sa akin gamit ang mga mata na puno ng takot, sakit at galit. "Celine de Ocampo's back." sagot niya. Hindi na ako nagulat. I know dahil nagpakita nga siya sa akin diba?

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko o hindi. Pero dahil sa takot nila at para din sa kaligtasan ko, sasabihin ko. I don't know the reason kung bakit niya ako nilapitan. I just want them to know.

"Kinausap niya po ako." kinagat ko ang labi ko.

"What?" sabay sabay na sabi nilang lahat. Si Bree lang ang hindi nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.

"Ano sabi? May ginawa ba seyo?" pumikit si mommy ng mariin. "That's the reason why I don't want you out." halos maghesterical siya.

Lumapit si daddy sa akin. Kahit nag alala siya ay mas kalmado siya kay mommy. "What happened anak? Ano ang sinabi niya seyo?"

"Tinanong niya lang po ako kung ako ang totoong Bree.." No! She concluded actually. Alam niya. Mahinang nagmura si daddy na kinagulat ko. I've never heard him curse. Mahinahon lang kasi siya lagi until now. 

"See? We need to take her out of this country. She's not safe here, Luther. Hindi natin alam kung ano ang nasa isip ni Celine."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot sa sinasabi ni mommy. Kung aalis ako ng bansa, paano si Anton? Paano kami? Parang hindi ko kaya. Besides, nandito din sila nanay.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now