ika tatlumpu't isa

12.1K 358 49
                                        

"Hey... Bakit ka lumalayo?" ngumuso si Anton ng pinauna ko siya maglakad. Gusto niya kasing hawakan ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan. Bahagya kasi akong nairita sa panunukso niya dahil pulang pula ang pisngi ko. Besides, a part of me still feel awkward. I love him, no doubt, pero hindi ko talaga maiwasan na hindi mailang.

Umirap ako kahit alam kong hindi niya makikita. Gabi na kasi at wala naman ilaw sa dinadaan namin papunta sa hotel nila.

Raj called me a thousand of times pero hindi ko sinagot. Siguro.. Mas mabuti na isipin niya na natulog nalang ako.

Anton asked me to come and see their hotel room. Ayoko pa nga nung una but he insisted. Kinuha pa nga niya ang cellphone ko dahil nagseselos daw siya sa tawag ni Raj.

I find him hot when he's jealous. Cold lang kasi ang natatandaan kong madalas na emotion niya so I find it amusing kapag nagpapakita siya ng other side niya.

"Kailangan ba talaga magkahawak kamay kapag naglalakad?" tanong ko. Mabilis napahinto si Anton at halatang halata na sobra siyang nagpipigil ng tawa. Kumunot ang noo ko at iritadong tumitig sa kanya.

"Baby, it's not necessary but I want to.. And besides, I want to feel you. You have no idea how long I've dreamt to do this to you." seryosong salita niya na nagpakalabog ng puso ko. I want to be at ease when I'm with him.. Pero nakakailang talaga. He used to be my kuya, being intimate to him is very awkward.

"Hindi kaba naiilang?" tanong ko sa kanya. Kumunot at noo ni Anton at natigilan.

"No." malamig na tugon niya. Tumindig ang balahibo ng idiniin niya ang katawan niya sa akin. Literal na nastatwa ako sa ginawa niya.

"See? Alam ko na nararamdaman mo yung feeling when we're close to each other. Can you feel the current baby?" malambing na salita niya. Para akong nahihipnotismo ng malalim at mapang akit niyang mga mata. I still can't believe that this man infront me loves me.

Tumango ako at walang makapang salita. Tumawa ng mahina si Anton at pinisil ang ilong ko. "Ang saya mo.." sagot ko.

Ngaun ko lang kasi nakita si Anton na masaya na ganito. Feeling ko kahit matagal kami magkasama ay ngaun ko lang talaga nakikilala ang totoong Anton.

Ngumiti si Anton sabay halik sa labi ko na nagpatalon sa akin. "I'm more than happy, baby.."

God! Ano ba ang nagawa ko para mahalin ako ng ganito ni Anton? I swear, kapag hindi siya tumigil sa pinagsasabi at ginagawa niya ay maatake na ako sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito.

Sa huli ay naglakad kami ng magkahawak kamay. Hindi na ako nagsalita dahil palagi naman akong nababara ni Anton. Tsaka, until now hindi pa din ako makapaniwala na ang tinuring kong kuya ay boyfriend ko na ngaun.

Boyfriend... Hindi ko maiwasan na mag init ang pisngi ko with that thought. I'm very happy but Anton looks happier than me.

Nasabi ko na ang feelings ko. Konting ilang ang nararamdaman ko pero hindi ko mapapagkaila na nasa punto ako na naging okay ang pakiramdam ngaun magkasama kaming dalawa.

Nakakawindang diba? We grew up together as siblings. Who would have thought na magmamahalan kami na higit pa sa magkapatid? I know it happens, but it happens very rare.

Tumambad sa akin ang isang magarang villa. Akala ko ay sa hotel sila nag stay pero sa villa pala. Sa dulong part kasi sila naka check in while me and Raj was in the middle.

"Tara na?" napatingin ako kay Anton na titig na titig na pala sa akin. Natulala kasi akong nakatingin sa villa nila. Nandoon din kaya sila Brent? Ang pag iisip na ako lang at si Anton ang nandyan ay nagpapakalabog ng puso ko.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now