ika tatlumpu

11.1K 369 32
                                        

"Are you sure you okay?" tanong ni Raj bago ako pumasok sa room ko. Ang sabi niya kasi ay magpahinga muna kami bago mamasyal mamaya. Medyo napagod din naman ako sa byahe pero naiinganyo akong mamasyal dahil na din sa ganda ng lugar.

Tumango ako. "Oo naman." sagot ko at tsaka ngumiti ng tipid. Medyo hesitant pa nga siya na umalis kasi nag alala siya kung okay ba ako o hindi. Of course I'm okay.. Malaki na kaya ako!

Pagpasok ko sa room ay bumuhos ang luha ko sa hindi ko alam na dahilan. Yung sagot kasi ni Anton kay Brent kanina ay parang tumagos sa puso ko. Alam ko na indirect niya iyon sinabi pero pakiramdam ko ay para sa akin iyon. Did he give up?

Of course he did! Sino ba naman ang tangang aasa sa bagay na wala naman kasiguraduhan. But still.. Nasasaktan ako. I love him and I don't know how will I tell him.

You can't blame me. Lumaki ako sa kaalaman na kapatid ko siya. Eighteen years 'yon! I was confused and scared of my feelings. And napaka awkward ng feeling na sabihin mo na mahal mo yung kapatid na nakalakihan mo diba? We're not some normal lovers na madali lang sabihin ang feelings!

I admire Anton for being brave for telling me how he feel. Ang kaso.. Nakakatakot. Natatakot ako sa amin at sa situation. People will judge us and my parents probably won't approve us. Now tell me what to do?

Ilang minuto akong tumunganga at umiyak hanggang makatulog ako.

Nagising ako ng medyo madilim na. Nataranta pa nga akong mag ayos at baka kumatok na si Raj. Nang maayos ako ay nakaramdam ako ng inip. Isang oras na din kasi ang nakalipas ay wala pang kumakatok.

Dinukot ko amg cellphone ko sa bag at nagulat ako ng madaming call at message ni Raj.

-Baby.. Natutulog kapa? I just wanna say na  nasa Party District ako. I'm with some collegues. Nakita ko lang sila dito. Call me when you're awake.

Bumuga ako ng hangin at tinabi ang cellphone ko. I won't call Raj. Hayaan ko siya mag enjoy sa company ng iba. Tutal naman ay maayos at nagugutom ako, I decided to go down.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin ng matapat ako sa shore. Madami pa din naliligo sa beach kahit malamig na. Napapikit ako bigla ng isang hampas ng alon ang tumama sa paa ko.

The feeling is relaxing.

"Alone?" napatingin ako bigla ng may nagsalita. Ang kalabog ng puso ko na nagpaghinga ay humahataw na naman.

Medyo napaawang pa nga yung bibig ko kasi topless si Anton habang tumutulo pa yung tubig sa buhok niya. Luminga linga ako sa paligid pero wala akong nakita ni isa sa kasama niya kanina.

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin. "Oo, e. Ikaw?" damn it! Kapag si Anton talaga nag nasa harap ko ay natatameme ako! God! I missed him everyday! I was longing to be with him.. Pero pag malapit siya ay sadyang hindi ko makayanan. That's how he affects me.

Nadinig ko ang paghinga niya ng malalim at humalukipkip. "Nasaan ang boyfriend mo?" dama ko ang pag kairita at tabang niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Boyfriend?" tanong ko. Si Raj ba ang tinutukoy niya?

Nagkatinginan kami ni Anton. Kagat kagat niya ang pangibabang labi niya habang ako ay hindi na yata makahinga. I need to be strong.. Kailangan ko din sanayin ang sarili ko na maging comfortable sa harap niya. Kahit ang totoo ay nakakapanghina ang mga mata niya na parang tinutunaw ka sa bawat titig niya.

"uhuh," malamig na salita niya na hindi pa din inaalis ang tingin sa akin. Ikinunot ko ang noo ko para hindi niya mahalata na halos mahihimatay na ako.

"Wala akong boyfriend.." sagot ko sabay nguso. Akala niya ba boyfriend ko si Raj?
"Eh yung girlfriend mo?" medyo tumaas pa ang kilay ko kasi naiirita ako kapag naiisip ko yung senaryo kanina.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now