"Ang tigas talaga ng ulo mo, Astrid!" pumikit ako ng mariin ng sigawan ako ni nanay.
Nasa palengke kasi siya ngaun at naglalako ng kung ano anong kakanin. Ito kasi ang kinabubuhay namin, kaya nga gustong gusto kong maiahon sa hirap si nanay dahil nakikita ko ang hirap niya para sa amin tatlong magkakapatid.
Si kuya Anton at kuya Jigs. Ako kasi ang bunso sa amin magkakapatid. At sa amin tatlo, mukhang ako lang ang pursigido umasenso. Si tatay ay sugarol at panay ang pag-inom. Naawa ako kay nanay dahil sa amin pamilya, ni isa man ay walang responsable. Gustong gusto ko naman sumarap ang buhay ni nanay kaya kahit walang wala kami ay nagsisikap akong mag-aral.
Sa buong pamilya namin ay si nanay lang ang kasundo ko, madalas kasi ay mainit ang ulo sa akin ni tatay at minsan naman ay masungit sa akin and dalawang kuya ko.
Ngumuso ako at hinawakan ang bilao na dala ni nanay. "Nay.. Kung hindi po ako mag-aaral, paano tayo aasenso? Gusto ko naman pong i-ahon kayo sa hirap nila tatay at kuya."
Bumuntong hininga si nanay at ngumiti ng tipid. "Natutuwa ako sa mga pangarap mo para sa atin, anak. Pero.. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang gastos. Kita mo," turo niya sa bilao ng kakanin na hawak ko. "Kung hindi pa ako maglalako niyan ay wala tayong kakainin. Pagkain, Astrid.. Sapat lang ang pera ko para sa pagkain.." hindi ko alam kung galit ba o malungkot si nanay.
Bumagsak ang balikat ko at pilit na ngumiti. Kung sana lang ay pinanganak ako ng mayaman.. Makakapag arala ako... Pero.. Kung pinanganak ako ng mayaman, mangangarap kaya ako ng ganito? Hays!
"Wag napo kayong mag alala nanay.. Ako po bahala sa gastusin." positibong sabi ko. Pero kahit ako man ay hindi alam kung paano ko itataguyod ang pag-aaral ko. I'm just seventeen.. Sanay ako sa hirap pero ayokong maging habang buhay na mahirap. Hindi ko alam kung kakayanin ko itaguyod ang pag-aaral ko. Sabagay.. Hindi ko naman malalaman ang sagot kung hindi ko ito susubukan.
Kailangan ko subukan.. Kailangan kong kayanin.. Para sa akin, para kay nanay.. At para sa pamilya ko.
Nanliit ang mga mata ni nanay habang nakatingin sa akin. "Ang tigas ng ulo mo, Moon Astrid!" huminga siya ng malalim at ngumiti ng tipid.
"Sige, kayanin mo.. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.." umirap ng bahagya si nanay kaya humalakhak ako.
Ibiniba ko saglit ang bilao na dala ko at yumakap sa kanya. "Salamat, Nay.. Pangako, hindi ko kayo bibiguin.." humalik ako sa pisngi ni nanay.. "Ang swerte ko talaga seyo, nay."
Nang maghapon na ay nag-ayos na ako ng sarili. Pupunta ako sa unibersidad dahil ngaun ang schedule para sa interview ng mga nakapasa sa scholarship.
Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt na regalo sa akin ni nanay noong nakaraan pasko. Hindi ko nga ito masyado isinusuot dahil ito lang ang pinaka-maayos na damit na meron ako.
"Nay, alis na po ako." paalam ko kay nanay. Sabay na napatingin si kuya Anton at nanay sa akin. Malamig ang mga mata ni kuya Anton na rektang tumingin sa akin. Lumunok ako ng bahagya at nag-iwas ng tingin. Natatakot kasi ako na hindi ko maintindihan sa mga mata niya na para akong kakainin.
"Oh, siya, Astrid.. Mag-iingat ka.." kunot noong sagot ni nanay.
"Saan ka pupunta?" Natigil ako sa paghakbang sa lamig ng boses ni kuya Anton. Natatakot ako na baka pigilan niya ako sa gusto ko.
Gusto din kasi mag kolehiyo ni kuya pero hindi siya pinayagan ni tatay. At bukod doon ay kinailangan niya na magtrabaho para makatulong sa amin.
"Ah, eh.." nagkamot muna ako ng ulo. Halos wala akong masabi sa panginginig.
YOU ARE READING
The Strings (Strings Series 2)
ChickLitMoon Astrid Dela Cruz, anak na inalayo sa totoong magulang. Biktima ng galit para sa kanyang totoong magulang. Pinagkaitan ng buhay na nararapat sa kanya. Masipag, matalino at matayog ang pangarap para sa magulang na kinagisnan niya. Mabalik kaya s...
