ika dalawampu't siyam

11.2K 344 17
                                        


Yung isang pabor na hiningi ng mommy ni Raj ay naging dalawa, tatlo at feeling ko'y walang katapusan. Palagi ko nalang kasama si Raj. Wala naman akong magawa dahil palaging nasusumbatan ni tita Camille si mommy about her favor before.

Syempre, nanay ko si mommy Sasha at ayokong nakikita na nahihirapan siya. Hindi naman din nila ako pinipilit na samahan ko si Raj. Ako lang talaga  ang sumasangayon para wala nang gulo diba?

April na ngaun. Nakagraduate na si Raj. Kasama nga din ako nung graduation niya, e. Actually, kaming dalawa ng mommy niya. Hanggang ngaun, kahit mabait na sa akin ang mommy ni Raj feeling ko hindi pa din totoo yung pinapakita niya. O sadya lang talaga na natatak sa utak ko yung mga salita at bagay na binitiwan niya sa akin?

"Are you sure you want to come? Pwede naman na sabihin ko sa kanila na aalis tayo ng bansa." salita ni mommy habang nag iimpake ako. Sinasama kasi ako ni Raj sa El Nido para magbakasyon. Ayaw nga nila mommy pero wala naman sila magawa sa mommy ni Raj.

Ang hirap talaga nang may utang na loob noh? Payback time na ngaun sila Raj at ako ang nagdudusa sa kaligayahan ni Bree noon. Minsan naiisip ko na ang swerte ni Bree. Biro mo nagamit niya yung buhay ko, yung pamilya ko at buong pagkatao ko. Tapos ngaun ako nagdudusa sa mga kagagahan niya noon. Hay!

Minsan naiisip ko na nakakapagod pala na maging mabait at palaging nagpaparaya. Kasi naman, pag sobrang mahal mo pala yung tao sa paligid mo kaya mong magsakrapisyo wag lang silang masaktan.

Kaya lang.. Parang ang unfair naman sa akin. Bakit palagi nalang ako ang nagsasacrifice? Meron bang kayang magsakripisyo para naman sa kaligayahan ko?

Balita ko ay nakagraduate na si Anton. I envy Rosie for being Rosie kasi siya nakakasama sila kuya Jigs, nanay at Anton. Nakita ko nga na nag out of town sila nung grumaduate si Anton nito lang.

"Wag na po, nakabook napo ang flight.. Nakakahiya naman kasi pumayag na ako." sagot ko sabay lagay ng huling damit sa maleta ko. Sabi kasi ni Raj four to five days kami doon. Ang tagal nga.

Bumuntong hininga si mommy. "Astrid.. You don't need to obey Camille. I can handle her. Sabihin mo na ayaw mo at ako bahala seyo.."

Umiling ako at tipid na ngumiti. Sa ugali ni ni tita Camille? Mom can't handle her. Besides.. Alam ko naman na hindi makaporma si mommy kapag sinusumbatan na siya ni tita Camille. Hello? May ego din naman si mommy kaya alam ko na dinadala niya din iyon.

"Wala naman po ginagawa sila masama. Okay lang po talaga ako na sinasamahan si Raj sa mga lakad niya. Wag na po kayo mag alala.." sagot ko ulit. Nakatingin lang si mommy sa akin na tila ba nagdududa sa totoong feelings ko. Syempre, dahil legendary na ako sa pagtatago ng feelings, naitago ko yung totoong nararamdaman ko.

"Okay. Just take care, okay? Basta kahit ano mangyari, don't hesitate to call me, or your dad." hinalikan ako ni mommy sa ulo kaya naging okay na din ako. Iba pa din pala yung feeling na totoong mommy mo yung humahalik seyo.. Para kasing lahat ng dinadala mo mawawala agad.

Napanganga ako ng tumambad sa akin ang asul na asul na dagat. Tapos natutuwa pa ako dahil ang puti puti ng buhangin dito.

"I told you, you'll like it here." napasinghap ako ng magsalita si Raj sa likod ko. Sa sobrang ganda ng lugar ay halos makalimutan ko na kasama ko pala siya.

Kahit palagi kaming magkasama.. The wall between us didn't change. Ayoko lang talagang mapalapit sa kanya ng usto. Sinasamahan ko siya pero hanggang doon nalang 'yon. Besides... Alam ko naman talaga kung ano at sino ang gusto ko.

At yung gusto ko, alam kong bawal. Alam kong hindi pwede. Yung gusto ko talaga? He's always been off limits to me.

"Oo. Ang ganda pala talaga.." sabi ko ng hindi siya tinitignan.. Ang dami din tao dahil summer ngaun. Natutuwa pa ako kasi mayroon nagsusurf na sumasabay talaga sa hampas ng malalaking alon.

The Strings (Strings Series 2)Where stories live. Discover now