CHAPTER LXXI: SPEAR OF TRIA

58 5 19
                                    

Eliel:

My light.

That was what she called me as she stared with those golden eyes of hers.

Pamilyar sa akin ang mga matang yun. May pakiramdam akong hindi ito ang unang beses na nalunod ako sa kagandahan nila.

She must have felt that I was staring back at her because she playfully smiled at me.

"Go on." She stepped closer and I felt my heart skipped a beat, "Kiss me if you want..." Bulong niya.

Baliw na siya!

Pinitik ko siya sa noo. "Puro ka kalokohan." Umatras ako palayo pero hinila niya ako pabalik.

"Wait...stay where you are." Hinawakan niya ako sa braso at biglang namuti ang kanyang mga mata.

Anong...nangyayari sa kanya?

Naramdaman namin ang biglang pagyanig ng paligid at ang pag-ihip ng malakas na hangin.

Kagaya ito ng nangyari sa piitan sa Olympus.

She was making this storm.

Bumuka ang bibig niya pero ang lumabas ay ang kakaibang boses na nagbitiw ng mga salitang nasa wika ng sinaunang Griyego:

Olympus will bleed!
Olympus will burn!
And a new dawn shall rise,

Forged in the blood of the Flame and tears of the Sea,
The Deep, the Abyss and the Heavens become one,
And the light bearing name that meant as bright,
Shall wield in his mortal hands the eternal keys,
For the deathless to die and the crownless be king.
And the destiny of the father, becomes not of the son

Only then shall Olympus heal.
Only then shall Olympus rise again.

Pagkabigkas niya ng huling salita ay nanumbalik ang kulay sa kanyang mga mata. At kasabay nito, huminto ang lindol at ang delubyong pumaikot sa bulwagan.

"Iyon...ang huling bahagi ng propesiya ng matandang orakulong si Pythia." She was looking at me intently, "Naiintindihan mo na ba ngayon, mahal kong Eliel?"

---
Ezrah:

"The light bearing name that meant as bright." Of course, paano ko makakalimutan, kung ako mismo ang nagbigay sa kanya ng pangalang yun.

"Flash...Flash of Lightning." Hindi ako makapaniwala. It was him all along. Gusto ko siyang panagutin sa ginawa niyang pag-abandona kay Alta, pero ngayon, kailangan pa naming protektahan ang mokong na to. "Sinasabi mo ba, na ang hangal na yan ang magbabalik sa kapangyarihan ng Olympus?" tanong ko kay Alta. "And how is he supposed to defeat Athena? You almost died out there, Al, and this guy just watched you bleed to death, because he is weak!"

Her eyes burned golden yellow at those words. She was about to throw some tantrums dahil ininsulto ko si Eliel.

"You cannot hurt me with that power of yours, my dear sister." I warned her while I was holding the Bident.

"You wouldn't want me to attempt, Your Grace." She smirked wickedly at lumabas ang asul na apoy sa kanyang kamay. "Try to be nice now."

She must be kidding! Talagang gagamitin niya sa akin ang kapangyarihan niya kapag pinagsalitaan ko ng masama ang baliw na si Crete?!

"Gusto ko ring malaman kung paano natin tatalunin si Athena." Bakas ang pagdududa sa mukha ni Propylaea. "Bukod sa kapangyarihan mo, sinabi mo na nasa kanya na rin ang kapangyarihan ng ilang Diyos ng Olympus. She is more powerful than all the remaining Gods combined. Kaya papaano siya tatalunin ni Eliel?"

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now