CHAPTER XXVI: THE WALKING DEAD

438 14 6
                                    

SOMETIMES, WE KNEW THE RIGHT THING TO DO.

But when it was incovenient, we refuse to do it.

Iyon ang naisip ko nang makita ko si Mary na naglalakad papalapit sa kinauupuan ko. Alam ko na sa mga oras na iyon,  Ezrah sent her to blackmail me.

Natatandaan ko pa na sinabi ni Mary na sa oras na hindi ko tanggapin ang Bloody Mary na ipinabibigay ni Ezrah, mamamatay siya. At ngayon, he was going to use that tactic again. If I didn't agree to go out with him, he would probably kill Mary.

Naisip ko na pwedeng mangyari 'to. I knew I shouldn't let her die. Pero kung ililigtas ko naman siya, ang buhay ko naman ang ilalagay ko sa peligro.

Imposibleng gusto lang lumabas ni Ezrah para kumain. He wanted to kill me for so long, at hindi malayong isagawa niya ang mga plano niya sa oras na sumama ako sa kanya.

And because of that, I decided. And I knew Mary would understand if I chose to save myself. I should not die for a complete stranger.

Marahan siyang umupo nang makita niya ako. Nakayuko lang siya at walang sinabi. Nag-antay ako, pero nakatitig lang siya sa lupa at hindi umiimik.

7:45 na, labinlimang minuto na lang at kailangan ko nang tawagan si Ezrah. Nagdesisyon akong ako na lang ang unang magsasalita para ipaliwanag kay Mary ang sagot ko pero bigla siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"M—Ma'am", garalgal ang boses niya at batid ko ang kabang nadarama niya. Magaspang ang kamay niya dulot ng mga kalyo na marahil bunga ng labis na pagtatrabaho.

"Ma'am," ulit niya, "alam ko pong hindi niyo ko kilala o kaanu-ano...pero nakikiusap po ako...may dalawa po akong kapatid, kaming tatlo na lang po sa buhay at napakabata pa po nila. K--kapag..." nagsimula na siyang umiyak, "Kapag nawala po ako...titira po sila sa lansangan. Autistic po ang bunso namin...sigurado akong hindi siya tatagal kapag ganun. Nagawa ko lang po iyon dahil kailangan ko ng pera, Ma'am...please po Miss Alta, please po tulungan niyo ko Ma'am. Ang sabi po ni Master Ezrah, pumayag lang daw po kayo sa gusto niya, that's all he needs."

Napayuko siya sa mga palad ko at nagpatuloy sa pag-iyak. Alam kong naisip ko noong una na iligtas ang sarili ko. Pero nang marinig kong tatlong buhay ang mawawala kapag tumanggi ako, bigla akong naguluhan.

I wanted to be selfish, and I hoped for that moment that I was the same monster like Ezrah. Pero hindi eh, three innocent lives against mine. No matter how I looked at it, it was clear what I had to do.

"Don't worry, Mary. I'll make sure he won't hurt you. Pangako ko 'yan."

Wala akong mga kapatid so I didn't know what she felt. Pero kung nagkataon mang meron,  I would do the same for them. Maybe, just this once, I would not regret dying for a stranger.

"Ma'am...salamat po Ma'am. Salamat po."

Sinabihan ko na siyang umuwi na para magpahinga. Mabilis akong tumalikod sa kanya, I didn't want her to see me cry. It was 7:59 on my phone, I pressed number 1 and waited. Three rings then an answer.

"You're punctual." sagot niya sa kabilang linya.

"I'm going to—" biglang may umagaw ng cellphone ko. It was Styx, he was standing right behind me and he was smiling.

"Hello, Greyblood." wika ni Ezrah.

Buwisit. Akala ko nakalimutan na nila ang term na iyon. Hindi ako sumagot. Wala talagang balak ang isang 'to na patahimikin ang buhay ko.

"I actually like that better than newbie. It's got a better ring to it." he grinned.

"Akin na ang cellphone ko." pumalad ako at tiningnan siya ng masama.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now