CHAPTER XXXII: THE LAST ORACLE

369 11 3
                                    

BUONG ARAW.

Ganun ko katagal inisip ang pag-aya sa akin ng Headmaster na mag-tsaa.

I mean, ganoon ba talaga sila rito, kapag may bagong estudyante kailangan niyang uminom ng tea with the headmaster? It's too formal and too weird. At ang ipinagtataka ko pa ay ang sinabi ni Pysces na hindi niya alam kung saan ang opisina niya.

None of us had seen it, yet.

Anong ibig niyang sabihin 'dun? So wala pang nakakita sa office niya? Wow, so wala pang ipinatawag sa principal's office sa buong kasaysayan ng school na 'to?

Nakakapagtaka talaga.

On my last period, nagkita kami ni Eden. Umupo ako sa tabi niya at tinanong siya tungkol kay Atticus.

Nalaman kong siya ang pinakamagaling na tagapagsanay sa mga demi-gods upang maging bayani. At dahil sa mahusay niyang pagtuturo, inatasan siya ni Athena na pamahalaan ang Agora. Sinabi rin niya sa akin na ginawaran na ng imortalidad si Atticus ni Zeus. So technically, hindi siya pwedeng mamatay. In short, isa rin siyang Imortal.

"So bakit hindi niyo alam kung saan ang opisina niya?" tanong ko.

"Wala pang baliw na sumubok gumawa ng gulo sa Agora to merit an invitation on that office."

"As in? Kahit si Ezrah?"

"Kahit si Ezrah." Pabulong niyang wika.

"So wala pa talagang estudyanteng nakapasok dun?"

So paano ako pupunta sa isang office na wala sa mapa? As in hindi nag-eexist?!

"Well, there was one." Biglang nagbago ang tono niya, "Yung grey--oops, sorry, I mean yung mortal na nauna sa 'yo." she apologized.

"Pero ang sabi ni Pysces-"

"He said none of us, meaning none of the demi-gods and the Endless."

Okay so mga mortal lang ang iniinvite roon? Wow, now I feel special.

"So who is this mortal na nauna sa akin?"

"I think you've heard of her." she said to me, "Castiel Cordova."

Dumating na ang professor at natigil na kami sa pag-uusap ni Eden. Binuksan ko ang libro ko and tried to listen, pero hindi ako makapag-focus.

Castiel, that name. Simula nang dumating ako rito, her name kept on coming up.

So she was a mortal just like me. An exchange student.

After class, naisip ko nang magtanong sa ibang professors pero binalaan ako ni Eden na hindi rin sila makakatulong. So I just went to the library to look for some clues on how to find this mysterious headmaster's office.

History of Agora, Decades of Triumph of Agorians, Agora's Golden Years, A Thorough Guide to Agora High...

Lahat na ng mga librong tungkol sa Agora, nacheck ko na, pero wala talagang makapagsabi kung saan ang opisina ni Professor Atticus.

Sinubukan ko na ring icheck ang Google map pero isang blurred picture lang ng dating agricultural land na kinatatayuan ng school ang nakareflect.

Hay...hopeless na 'to. So I tried to type Agora and waited for something to pop out.

Something caught my attention; it was a news article, dated two years ago. Ang sabi roon, pansamantalang ipinasara ang Agora, due to a chemical explosion, there was only one casualty. I clicked on the link to see more. Then a picture of a girl with brown hair ang lumitaw sa screen. Nakasulat ang pangalan niya sa ibaba ng picture and I read it aloud.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now