CHAPTER XI: THE FAIREST OF THEM ALL

502 19 1
                                    

The breath of the west wind bore her

Over the sounding sea,

Up from the delicate foam,

To wave ringed Cyprus, her isle.

And the Hours golden wreathed

Welcomed her joyously.

They clad her in raiment immortal,

And brought her to the gods.

Wonder seized them all as they saw

Violet-crowned Cytherea (Aphrodite)

-Homer


"KAILANGAN BA TALAGA NA NANDITO KA?"

"Wala akong ibang gagawin, nag-aayos pa si Erin, dito ko na siya hihintayin. Pupuntahan ka rin naman niya to verify if you did not outshine her." sabay ngiti. "Nagtetext siya every 10 minutes just to check kung anong ginagawa ko at kung gaano ako kalayo sa'yo. Isn't she cute?"

Sira talaga 'to. Natutuwa pa siya na nagsisimula na akong pagselosan ni Erin.

Dalawampung minuto na kaming nagtatalo ni Prop habang inaayusan akong muli ni Phin. Pinapalabas ko siya ng kwarto pero ayaw niyang umalis dahil siya daw ang pipili ng ayos ng buhok ko at kung anong damit lang ang pwede kong suotin.

Kailan ko pa ba siya naging stylist? Pero ngayong tinitingnan ko ang makulit niyang mukha, natutuwa ako na bumalik na siya sa dati.

Oo nalaman kong diyos sila, pero ngayon, kumikilos siya bilang si Prop T. Pagkatapos niyang malaman ang ginawa ni Lee, pinipilit niya talaga na bantayan ako. Sinabihan ko siya na itigil na ang ginagawa niya pero itinatanggi niya parati na nandun siya para protektahan ako.

"Huwag ka ngang assuming, bakit naman kita babantayan? Bored ako sa kwarto ko kaya andito ako." Nakaupo siya sa gilid habang nagbabasa ng libro, kumakain ng paborito niyang orange popsicle.

Hindi raw nagbabantay... pero sa tuwing mag-riring ang telepono ko, halos mapraning siya, lumilingon sa paligid at tinititigan ang pinto.

"It's just my mom."

"Patingin ako."

Tsismoso talaga.

Tinawagan ko agad ang magulang ko sa oras na ibinaba na ang lahat ng signal jammers sa Trident.

I told them I was on a field trip.

Panay ang text ni Mama nang malaman niyang nasa kunwariang 'lakbay-aral' ako. Siyempre hindi ko sinabi na sumakay ako ng barko. Ayoko silang mag-alala.

"Naka old rose na coat si Master Mika, sa tingin ko dapat match ang kulay ng gown na isusuot mo." suhestiyon ni Phin.

"Phin, hindi si Mika ang partner niya. Palalabasin lang natin na si Alcopara ang plus one niya para hindi maghinala ang Elders. Kaya hindi kailangan na magkakulay sila ng damit."

Pagkatapos ng nangyari, nalaman ko rin na isang demi-god si Phin. Ngayon kasabwat na rin siya. Pero hindi niya alam na nandito ako para kay Eliel.

She was the best make-up artist ever! I liked her, because she didn't hate mortals.

"Fetch her those green gowns, will you. Yun ang favorite color ng lalakeng iyon."

"At sino naman iyong lalakeng tinutukoy mo?" tanong ni Phin.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now