CHAPTER XXXI: NOCK, DRAW AND LOOSE

267 11 2
                                    

ALMOST EVERYONE.

Marami ng mga estudyante sa archery field nang dumating ako.

These guys were really taking their PE Classes seriously.

May narinig akong nagsasalita sa harapan, he was giving some sort of lecture. Okay lagot, mukhang nandito na ang Prof.

"The most important thing in Archery, as I keep on reminding you, is Discipline."

Nasa likuran ako at nakatayo sa tabi ng isang babaeng nakatirintas. Kitang-kita kong napatalon siya sa kinatatayuan niya sa pagkagulat nang bigla na lang sumigaw ang Professor.

"Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mayroon pa ring nahuli sa inyo!"

Shoot. Mukhang terror ang isang ito.

"Last girl to arrive, come in front!" sigaw nitong muli.

Lagot.

Hindi na ako nagpanggap at lumapit na lang hoping that this brave act ay pagagaanin ang nakaamba kong parusa.

"Oh," he said, "If it isn't the exchange...student. Alta Alcopara. First time in my class?"

"Yes, Professor." I firmly answered, yup, professor ang tawag namin sa mga teachers dito, lakas maka-Hogwarts 'di ba?

Lumapit siya sa akin and holy shoot! Kamukha niya si Legolas from Lord of the Rings!

He was so beautiful and he exuded that Elf-ish vibe. Mahaba ang buhok niya at blonde, wow, alagang Loreal.

"Is that it? Well, Miss Alcopara," he said at hinawakan ako sa balikat tsaka bumulong, "you'll do well to remember na disiplina ang pinaka-mahalaga sa klaseng ito, kaya kung ayaw mong ikaw ang gawin kong target practice ng mga kaklase mo, huwag na huwag ka--nang--ma--hu--hu--li--ng--pa--sok. Understand?!"

"Yes, P-professor." sagot ko, pinipiga niya ang balikat ko at sobrang sakit nito.

"I can't hear you dear. Say yes, Professor Igmy."

"Yes..." I was trying to stop myself from screaming in pain, "Professor Igmy."

"Good." he said at binitawan niya na ako.

Aureaus Igmy, ang Master Archer ng Agora High. Nabanggit ni Eden ang pangalan niya noong tanungin niya ang schedule ko. Sinabi niyang terror professor siya at ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga estudyanteng late. Haist...kainis! Kaya pala ang wagas nilang lahat sa pagpapaalala sa akin na 'don't be late'.

Paano ko ba iyon nagawang malimutan!

"Ngayon, we all know na papalapit na ang PanaFest, a feast for honoring the founding of this institution. Bilang paghahanda, ang inyong midterm exam ay gagawing qualification round para sa pares na kakatawan sa mga Seniors sa paligsahan."

Pana what?!

"So I expect everyone to exert extra effort and perform their best dahil ang mapipiling pares ay ma-eexempt sa final exam. So I suggest, choose your partner wisely because you will be graded as a pair. Kapag bumagsak ang isa sa inyo, bagsak na ang team niyo."

Lagot...kailangan pa ng partner?!

Bigla siyang lumingon sa akin at sumunod naman sa kanya ang mata ng buong klase, "So, how are you going to pass this subject Miss...Alcopara, ngayon pa lang pinatunayan mo na that you lack discipline which invites failure in this field, mukhang mahihirapan kang humanap ng partner—"

"I'll take Gorgeous!" sigaw ng isang boses mula sa likuran.

Nakita kong may isang nakataas na kamay sa lupon ng mga estudyante at unti-unti itong lumapit sa harap.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now