CHAPTER XLIII: FLASH

303 12 38
                                    

...THAT NIGHT
TEN YEARS AGO
IN THE MIDDLE OF THE PACIFIC...

"Nahanap mo ba yung bata?"

"Aaah...opo kaya lang..."

"Anong kalokohan to? Bakit dalawa ang dala mo?!"

Tumingin sa akin yung masamang Manong pagkatapos ay sa batang lalakeng katabi ko.

"Sino sa kanila?"

"Magkasama ko po silang nakita sa park...hindi po ako sigurado. Kaya naman...binitbit ko pareho." Sagot ng isa pang Manong na may hawak sa akin.

"Wala ng oras, isakay mo na ang dalawang iyan sa barko."

Nakita ko ang isang malaking bakal na kahon na nakalutang sa tubig.

Barko.

Yun pala ang tawag sa kahon na iyon.

Hindi nagsasalita yung batang lalaking katabi ko.

Dinala kami sa loob ng barko nung mga masasamang manong at ikinulong sa isang kwarto.

Madilim dun, at malamig.

"Mr. Frodo, huwag kang matakot, hindi kita pababayaan. Ako ang bahala sayo, okay?"

"Tsss..."

Huh? Nagsalita ba yung batang lalake?

"Bakit?"

"Ikaw eh...ba't kinakausap yang laruan mo? Baliw ka ata eh."

"Hindi siya laruan."

"Laruan siya, stuffed toy siya hindi mo ba nakikita

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


"Laruan siya, stuffed toy siya hindi mo ba nakikita." Hinawakan niya ang tainga ni Mr. Frodo.

"Bitaw!" hinablot ko ito sa kanya. "Ayaw niyang hinahawakan siya ng ibang tao."

"Tsss." Singhal niya, "Bakit ka nakikipag-usap sa laruan, siguro wala kang kaibigan dahil wirdo ka."

"Wala akong...kaibigan." Malungkot kong sagot, "Ang sabi sa akin, hindi ako pwedeng magkaroon ng kaibigan...dahil mapapahamak lang sila."

Natahimik siya.

"Sorry." Wika niya.

"Sanay na ako. Totoo naman eh" sagot ko.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Donde viven las historias. Descúbrelo ahora