CHAPTER LIX: BLACK BANQUET

196 9 35
                                    

RATED 16+ :(Read with caution)

Isang mahabang ungol ng pighati ang nagpatigil kay Hades mula sa pag-inom sa kanyang kopita.

Isang nakakarindi at nakakapanindig balahibong iyak galing kay Cerberus, ang kanyang tapat na guwardiya, na tanging siya lang ang nakarinig.

Panandalian, ay kumislap ang mga ilaw sa loob ng silid kung saan tinipon at pinulong niya ang mga Diyos ng Olympus. At unti-unti ay binalot ng lamig ang lahat ng sulok nito.

Nagsimula itong gumapang mula sa sahig, papunta sa mga pader. At sa ilang segundo, nabalot ng itim na yelo ang bulwagan.

"Wala akong masasabi sa pagkain at sa alak. Kapita-pitagan at walang katulad san man sa mundo," wika ng diyosang si Aphrodite, "But, I have to say you need to work on that." turo niya sa kumikislap na mga kristal na ilaw. "Hindi sanay ang anak kong si Daphne sa kadiliman at sa malamig na klima ng Underworld." puting usok ang lumabas sa kanyang bibig, tanda ng naramdaman niyang pagtaas ng temperatura.

Nanatiling walang imik si Hades, patuloy na nakapiid ang mata sa kawalan. Samantalang ang kanyang tatlong hukom: sina Rhadamanthys, Minos at Aiakos, ay nagpalitan ng tingin.

Naramdaman nila ang biglaang pagkawala ng presensiya ng bantay ng Underworld. Cerberus' spirit, disappeared.

Nagpatuloy ang pagbagsak ng temperatura at puting niyebe ang nagsimulang pumatak mula sa di matanaw na kisame ng silid.

Sa ordinaryong mga mata, magmimistulang isang kakaiba at napakagandang tanawin ng nagaganap na pagbaba ng niyebe, ngunit sa mga Konsehong nakaupo paikot sa mesa, ito'y isang senyales ng pagkabahala ng kanilang pinuno

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa ordinaryong mga mata, magmimistulang isang kakaiba at napakagandang tanawin ng nagaganap na pagbaba ng niyebe, ngunit sa mga Konsehong nakaupo paikot sa mesa, ito'y isang senyales ng pagkabahala ng kanilang pinuno.

Bahagyang niyapos ni Artemis ang kanyang kanang braso upang ibsan ang lamig, samantalang idinaan naman ni Ares sa pag-inom ng alak ang kanyang pagkaasiwa sa biglang pagyeyelo ng paligid ngunit maging iyon ay ipinagkait sa kanya dahil ang alak sa kanyang kopita ay nanigas na rin.

"Mahal ko."

Tanging malambing na tinig ni Persephone ang nagpabalik kay Hades sa kasalukuyan.

Inilakbay niya ang kanyang mata sa paligid at tila sa kauna-unahang pagkakataon ay napuna ang biglaang delubyong kanyang nagawa.

"Where are my manners?" pinitik niya ang kanyang mga daliri at tumigil ang pagkislap ng mga ilaw.

Nagliwanag ang buong silid at natunaw ang yelong biglaang bumalot sa pader at sa sahig.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now