CHAPTER LXIX: MARK OF THE OWL

117 5 5
                                    

Eliel:

Buhat ko ang orakulo sa aking mga bisig hanggang sa marating namin ang labasan. Sa pagsara ng pintuan ay bigla na lang akong bumagsak at napaluhod sa sahig habang karga ko siya.

"Punong Reyna! Punong Reyna!" narinig kong bigkas ni Pysces na mabilis na umalalay sa amin.

Naglaho sa aking paningin ang pasilyo ng piitan at napalitan ng imahe ng isang malawak na bulwagan kung saan nakapalibot ang mga sundalo at ilang mga opisyal. Lahat sila ay nakayuko at nagbibigay pugay sa kung sino man na hindi ko makita.

Maging ako ay lumuhod, at sa aking tabi ay may malaking puwang. Lahat sila ay nakatitig doon.

They were all saying the same thing.


Long live, the High-Queen!


But there was no one there.

Sino ang tinutukoy nila? Kanino kami nakaluhod?

"Eliel." Naramdaman ko ang talim ng espada ni Pysces sa aking leeg. Ang malamig na metal ng kanyang armas ay nagpanumbalik sa akin sa aking sarili. "What did you do to her?" he was staring at something beside me suspiciously.

I followed his eyes, and there I found her. Yung orakulo, wala siyang malay at butil-butil ang pawis niya sa kanyang noo habang nasa sahig. Malamang nabitawan ko siya ng mapaluhod ako.

"Wala akong ginawa sa kanya, kaya ibaba mo ang espada mo." Depensa ko, pero hindi siya naniwala at pinanatiling nakatutok sa akin ang talim ng kanyang sandata.

"Treason against the High-queen is punishable by death, Crete."

High-Queen?

Sinasabi ba niya na ang babaeng ito...ay ang Punong Reyna?

What happened to Hera?

"Kung wala kang ginawa sa kanya, bakit siya nagkaganito? She was fine when you disappeared together!"

Wala pa rin siyang malay, at nagsisimula na akong maguluhan sa nangyayari.

Bigla na lang suminghap ang orakulo at marahan na bumangon.

"Kamahalan!" Mabilis siyang tinulungang tumayo ni Pysces Black, "Anong nararamdaman mo?"

Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa kawalan. Bigla na lang umihip ang isang napakalakas na hangin na tinangay kami Pysces.


SWIIIIIIIIIIIISH!!! SWOOOOOOOSH!!!


Humampas ako sa pader, samantalang siya naman ay tumama sa mga rehas.

Sa gitna ng kakaibang delubyo ay nanatiling nakatayo ang orakulo, hindi man lang siya nabuwal ng malakas na pwersang pumagaspas.

"Imposible, saan nanggagaling ang hangin na ito?" nasa ilalim ng Olympus ang piitan at walang kahit anumang bintana ang kulungang ito, kaya saan nagmula ang tila ipo-ipong pilit tumatangay sa amin? "Paano niyang...nagagawang tumayo sa gitna ng delubyo?"

She was just right there, standing in the midst of this unprecedented storm. Her eyes blank and her whole body as still as a rock.

"Pythia..." she mouthed that word in Ancient Greek.

Nagpatuloy siya sa pagbigkas sa pangalan ng sinaunang orakulo gamit ang isang malamig at malalim na tinig na kaiba sa kanyang mabining boses. Ang tanging patunay lang na siya ang umuusal ng mga salitang iyon, ay ang walang patid na paggalaw ng kanyang mga labi.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum