CHAPTER XLIX: HOUSE OF HADES

294 13 17
                                    

"WHERE IS THAT SON OF YOURS?"

Muling pag-uulit ni Zeus kay Athena.

Mula sa pagod kong mga mata ay tinitigan ko ng mabuti ang diyosa at doon ko natantong hawig nga niya ang babae noon sa barko. Ang babaeng tinawag nilang Kamahalan.

"Nandito pa siya..." halos pabulong kong wika, "sa...may...girl's dorm..." patuloy ko sa kabila ng nararamdaman kong panghihina.

Sinamaan ako ng tingin ni Athena. Gusto niya akong tumahimik, pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng basta tumahimik lang at pabayaan ang halimaw niyang anak na makatakas.

"Artemis at Apollo." wika ni Zeus at dalawang usok na naging katawan ang tumayo sa harap niya.

Artemis--Goddess of Hunting and mother of Pyces and Vyrgo; Apollo--God of Music, Dawn and Prophecies--father of Eden. Ang kambal na Diyos na anak ni Zeus kay Leto.

"Get Cedric Arthos. Kung totoo man ang paratang sa kanya, patutunayan niya ang kanyang sarili sa Konseho ng mga Diyos."

"Masusunod, Zeus." Sabay nilang sambit saka muling naging usok at naglaho.

"Ibinababa mo ng tuluyan ang iyong sarili, ama." bakas ang pagkainis sa boses ni Athena, "Naniniwala ka sa sinasabi ng nilalang na iyan? Ako na naging tapat sa'yo sa loob ng ilang milyong taon ay pinagdududahan mo dahil lang sa paratang ng isang mortal!"

Isang matalim na bagay ang kumislap sa loob ng coat na suot ni Athena at marahan niya itong binunot.

"Kumalma ka, Athena," saway ni Zeus, "kung totoo mang inosente ang iyong anak, walang dahilan upang mabahala ka."

Nagumpisang lumapit sa kanya si Zeus.

Sa pagkakataong iyon, hindi na umatras pa si Athena at hinayaang mahawakan siya ni Zeus sa balikat.

"Magiging lubhang napakasakit sa akin kung pagkatapos ng ilang milyong taon ay ngayon mo iisiping magtaksil." Mahinang wika ni Zeus sa kanya.

Hinaplos ni Athena ang mukha ng kanyang ama.

"Hindi pagtataksil, ama..." sagot niya, "ang tawag sa pagkuha ng bagay na dapat ay akin!"

Inilabas niya ang isang punyal mula sa kanyang damit at sinaksak sa sikmura si Zeus.

Napaatras si Zeus at nagsimulang lumabas ang mga itim na ugat sa kanyang mukha. Kagaya iyon ng mga ugat na lumabas sa mukha ni Priam at ni Atticus.

Ang punyal ay may lason ng manticore.

"As to thialo. (Go to hell.)" at naging usok din si Athena at naglaho sa paningin namin.

"Chair...chairman..." gulat na wika ni Eliel.

"Zeus..." sinubukan siyang lapitan ni Poseidon.

Itinaas ni Zeus ang kanan niyang kamay upang sawayin ang sinuman sa paglapit sa kanya.

Hinugot niya ang patalim na nakabaon sa tagiliran niya at suminghap ng hangin. Unti-unti ay naglaho ang mga itim na ugat na bumalot sa kanyang mukha.

Ngumisi siya.

"Iniisip ba niyang mapapatumba niya ako gamit ang mga laruan niya..."inihagis niya sa lupa ang punyal at naging abo ito. "AREEES!!!"

Isang usok muli ang lumapit sa kanya na naging matipunong mandirigma nang tumayo sa kanyang tabi.

Isang usok muli ang lumapit sa kanya na naging matipunong mandirigma nang tumayo sa kanyang tabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now