CHAPTER LXVII: OURS ARE MEANT TO BREAK

177 6 25
                                    

Their hearts fell right,
But ours...ours are
meant to break
—Eliel Crete

Ares:

Malayo na ang narating ng munting binibini.

Mula nang makita ko siya sa Agora bilang huling Orakulong taga-pagmana ni Pythia at nang kilalanin siya bilang pangalawang anak ng Diyos na si Hades at ngayon bilang bagong halal na Punong Reyna ng alyansa.

Walang sinumang nag-akala, na ang isang mortal na gaya niya, ang tatayong pinuno ng Mundo ng mga Patay.

Minasdan ko siya habang inihahanda siya ng kanyang mga babaeng taga-paglingkod. Bagaman bakas sa kanyang mukha ang pagiging baguhan dala ng ng kanyang kabataan, mababatid mo sa kanyang mukha ang kakaibang tapang ng isang mandirigma.

"Sa oras na matagpuan namin ang Bident ng Panginoong Hades," bati ko, "tuluyan ka nang magiging Punong Reyna."

Pinahinto niya ang kanyang mga taga-paglingkod sa pag-aayos at pinalabas ang mga ito.

"Iniisip mo bang balak kong manatili sa posisyong ito hanggang mahanap natin ang Liwanag na tinutukoy sa propesiya?" tanong niya.

"Ikaw ang taga-pagmana ng Korona ng diyos na si Hades." Lumapit ako at tumayo sa kanyang harapan, "Marapat lamang na ikaw ang mamuno ng kanyang kaharian."

"Isa akong mortal, Lord Ares. Karapat-dapat ba akong maging Reyna, dahil lang sa anak ako ng dating hari?"

May balak siyang ipunto sa usaping ito. May nais siyang ipaintindi sa akin, at ito ay ang pagbaba niya sa ginawad sa kanyang puwesto.

"Ayaw mong maging Reyna." Sagot ko.

Tumango siya.

"Sa tingin ko hindi nararapat na igawad sa akin ang pamumuno ng Underworld dahil lang sa anak ako ni Hades." Wika niya, "Hindi sapat na gawing basehan ang dugo ng diyos na dumadaloy sa ugat ko, para gawin akong isang pinuno."

"At ano ang iyong gustong imungkahi?"

"Gusto kong bumaba sa puwesto, at ideklara kang hari."

Mabilis niyang pinakawalan ang mga salitang yun mula sa kanyang labi. Inasahan ko na ang pagdududa niyang ito. Sinabihan na ako noon ni Hades, na wala siyang interes sa kapangyarihang kayang ipagkaloob sa kanya ng korona.

"Isang magandang suhestiyon ang ideklara akong hari. Sa tingin ko ay babagay sa akin ang Korona." Hinaplos ko siya sa kanyang mukha, dala niya ang kagandahan ng kangyang Ina. "Tatanggapin ko ang iyong alok."

Nabalot ng ngiti ang kanyang mukha.

"Maigi kung gayon," masaya niyang sagot, "Magpapatawag ako ng pulong upang pormal na—"

Natigilan siya nang hawakan ko ang kanyang mga labi.

"Hindi iyon ganun kadali." Gamit ang aking mga kamay ay inilapit ko ang kanyang mukha sa akin. Kinailangan kong yumuko dahil higit akong matangkad sa kanya, "Dahil hindi ako direktang kadugo ng dating Hari, ang tanging paraan lang para maipasa sa akin ang korona ay kung pakakasalan mo ko."

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon