CHAPTER LXIII: HIGH-QUEEN ELECT

215 7 21
                                    

Eliel:

Nilapitan ako ni Lee at tinanong kung kaya na ba ni Alta na maglakad mag-isa.

"I'm fine now." sagot niya kaya ibinaba ko na siya mula sa likuran ko.

Nasa isang madilim na tunnel kami. Some sort of abandoned subway sa Acropolis. Narinig ko na ang tungkol sa mga lihim na lagusan sa ilalim ng lungsod. Pero ang dinaraanan namin ngayon ay hindi kasama sa mga lagusang nakita ko na noon sa mga pulong na militar sa Olympus.

Huminto kaming lahat sa paglalakad at ibinaba na rin ni Lee ang walang malay pa ring si Erato. Whatever he did to her, he got her good.

Naglabas si Lee ng isang itim na suklob at pinalayo si Alta sa akin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Huwag mo tong masamain, Crete. You might be here to protect her, pero isa ka pa ring kaaway. You are the f*cking Heir Apparent to the Throne of Zeus. Hindi kita pwedeng basta na lang hayaang pumasok sa isa sa mga sikretong taguan ng alyansa ni Hades."

"Lee—" pinigilan siya ni Alta, "You need to trust him—"

"Oh I trust him, alright." tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ni Alta, "But our allies don't."

"Well, make them then."

My little princess is so goddamn bossy...

"Ipinagkatiwala ka sa akin ni Ezrah. So for once, will you listen to me? Nangako ako sa kanya na kapag..."

He couldn't complete what he was trying to say.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Iniwan namin si Ezrah kasama si Callic sa Anvil, nang may patalim na nakatarak sa kanyang sikmura. None of us could really tell what happened after.

"This is standard protocol." kampi ni Pysces na kalmado na. "Serenity, kung wala talaga siyang balak na masama, hindi na siya dapat pumalag. This is for your safety and the alliance."

"Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo? I will not let—"

"Alta." awat ko sa kanya, "It's fine. Just let them do what they need to do."

Tinitigan niya ko at hindi siya makapaniwala sa narinig niya kaya humakbang na lang palayo sa akin.

"Kailangan kitang...iposas." Lee said to me, "This is for the alliance's comfort. Hindi kita pwedeng hayaang pumasok sa kampo with your free hands."

"Naiintindihan ko." Ipinagdikit ko ang dalawang kamay ko at sinuotan niya ito ng posas na kapareho ng ginamit sa kanila ni Callic.

Limiters.

"Aalalayan ka ni Pysces, just keep walking." at isinuklob na niya sa ulo ko ang itim na telang hawak niya.

It was quite a long walk.

At napansin kong hindi rin ordinaryo ang takip sa ulo na isinuot nila sa akin. 'Ni wala akong marinig na kahit ano kundi ang paghinga ko. Wala rin akong maamoy. Para lang akong naglalakad sa madilim na kawalan. Walang paraan para malaman ko kung nasaan kami.

Hindi talaga biro ang seguridad na ibinibigay ng pamilya ni Lee. They were one of the best. At kung hindi dahil sa pagpabor noon ni Zeus kay Athena, malamang ay kaanib pa rin namin si Ares. Pero huli na, dahil mas pinili niyang kampihan si Hades.

Huminto na rin kami sa wakas. Tinanggal ni Pysces ang suklob sa ulo ko at pagkaalis nito nasilaw ako ng liwanag na nanggagaling sa mga ilaw na nakapaligid sa amin.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now