CHAPTER XII: THE DARK KNIGHT

447 19 1
                                    

IT WAS LIKE WATCHING A FAIRYTALE.

May isang gwapong prinsipe kasama ang isang magandang prinsesa.

Lahat ng mata nasa kanila kabilang na ang dalawang mata ko. Naka-itim na suit si Eliel, katulad ng sinusuot ng mga aristokratong binata sa Britanya.

Halos isang linggo ko siyang hindi nakita, nakaayos ang buhok niya ngayon, hindi ito magulo katulad ng nakasanayan. Napaka-elegante nilang tingnang dalawa, at malamang iyon din ang tingin ng karamihan. Nagsimula nang lumapit ang mga pares sa gitna at sumabay sumayaw sa kanila.

It was swift, it was just, another wave of a miracle

But no one, nothing at all would go for the kill. If they called one very soul in the land on the move. Only then would they know a blessing in disguise

🎶🎵

Pakiramdam ko nasa isang pelikula kami, hindi ako pamilyar sa sayaw na ginagawa nila pero ang sabi sa akin isa itong lumang sayaw. Umiikot ang magkapareha kasabay ng tugtog, sa bawat pagkakataon na napapalapit sila sa kinaroroonan namin ni Mika, unti-unting nagiging malinaw sa akin ang lawak ng pagkakaiba namin. Ang mga nilalang na nakikita ko ay mga Diyos at Diyosa, at ako ay isa lang mababang mortal.

The curse ruled from the underground down by the shore

And their hope grew with a hunger to live unlike before


Nasa kalahati na ang tugtog nang bumulong sa akin si Mika, naglakad kami papunta sa gitna at sumabay sa sayaw. Madalas kong matapakan ang paa niya pero ngumingiti lang siya. Tatlumpung minuto lang ang ginugol ko para i-ensayo ang sayaw na ito. Pinilit ako ni Erin na aralin ito bago kami bumaba ng cruise. Nakakairita, akala ko nasaulo ko na, pero iba pala pag may kasabay na na musika, biglang nalilito ang mga paa ko.

"Al, mag-relax ka lang, masyadong halata na ninenerbiyos ka." bulong ni Mika.

"Nagpapatawa ka ba? Pinapanood tayo ng lahat, nakita ko si Daphne sa taas at malamang mahahalata niya na ako 'to dahil sa kapalpakang ginagawa ko. Bakit ba kasi hindi na lang simpleng waltz o kaya break dance ang isinasayaw dito? Masyado kayong tradisyonal, nabibigla katawan ko sa mga steps na 'to."

"You're so adorable." Napakalapit niya sa akin at napapansin kong may pagkakahawig din sila ng kapatid niyang si Prop.

Adorable talaga? Kapag nakita ako ni Daphne o ni Lee, sigurado ako I'll be anything but adorable!

"Malapit ng matapos ang music. Alam mo na ang gagawin. Huwag kang kabahan. You'll do just fine." Niluwagan niya ang hawak sa kamay ko at tumingin sa direksyon nina Erin at Eliel.

Marahan kaming lumapit para mapunta kami sa likuran nila. Isang beses ko lang 'to pwedeng gawin, hindi ako dapat magkamali.

"Tradisyonal na sayaw ng Agora ang unang tutugtugin, sa katapusan nito magpapalitan ng kapareha. That's your only shot, Alcopara. Ang kanta ng bandang inimbita ang tutugtugin na sunod, pagkatapos noon, kailangan mo nang bumalik kay Mika. No matter how brief, if you linger after that one dance, that will be enough to create suspicion. Maraming matang nakatingin. Marami sa kanila magsasawalang bahala. Pero dapat tayong kabahan sa iilan na hindi palalampasin ang pag-imbita sa isang mortal bilang isang bisita."


Natatandaan ko ang bawat salita ng babala ni Prop. Just one dance. Hindi ko alam na malaki ang nakataya sa sorpresa nilang ito. Para akong nasa isang suicide mission. Kapag nagkaroon ng problema hindi lang si Daphne ang makakaharap ko kundi pati ang konseho ng mga diyos, ang Elders.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now