CHAPTER XVIII: SCARLET LETTER

297 17 3
                                    

"I'M--I'M ADOPTED?"

Paano nangyari iyon? There's just no way, "Kaya ba ayaw mong iligtas ko sila? Is that it?! Paano mong nalaman ang bagay na iyon, kung kahit ako hindi ko iyon alam?"

"Priam and I, we had a deal. I asked him to give you a life, kapalit ng isang pabor. Pero hiding like that, living from place to place wasn't the life I wanted for you. I want you..."

He stopped. Malungkot ang boses niya at napansin kong nangingilid ang luha niya.

"I want you to stop worrying. I want you to have a family, to go to school, to...have friends. Kaya naghanap siya ng pamilyang pwedeng kumupkop sa'yo. When he told me he found someone who could be your parents, iyon na ang huling pagkakataon na nagkita kami. After that, wala na akong narinig na balita. I didn't know where you were, or what you were doing."

No...no...

"After all those years, somehow I found a way to forget you."

I fell quiet. This is not happening. Nananaginip lang ako. Someone wake me...wake me up...please!

"Dapat...dapat hinayaan na lang nating ganun. You should have let me stayed forgotten. Hindi mo dapat...hindi mo na dapat ako kinausap noong araw na iyon. You should have stayed in your goddamn car that first day of school."

"I didn't know it was you." napabuntong hininga siya, he was frustrated.

Be careful what you wish for.

GODDAMMIT.

Ginusto ko to...I wished for this. Alta, napakatanga mo!

"You can still backout. Kung pumasa ka, turn it down. Don't go to Agora."

Not this again.

"Hindi mo maiintindihan...kung bakit ko 'to ginagawa."

"Alta, they're not your real parents!"

"Narinig kita! Hindi mo na kailangang ulit-ulitin!"

Hindi ko na napigilan.

Second stage of misery: ANGER

"Hindi ko alam kung paano itinuturo sa mga diyos na katulad mo ang ibig sabihin ng pamilya. Pero alam mo, family doesn't start with blood, Eliel. And it doesn't end there also. Hindi sapat na kadugo mo lang sila, at hindi lang iyon ang tanging dahilan kung bakit dapat mo silang pahalagahan. Eliel, those people...they love me. Binigay nila sa akin ang lahat ng meron sila kahit pa wala na silang itira sa mga sarili nila...hindi mo alam kung anong paghihirap nila dahil sa akin...hindi mo alam."

Popsy, dumadalas na iyang pananakit ng sikmura mo. Nakakalimutan mo bang kumain?

Minsan kasi hon, hindi na ako nakakapagtanghalian, pinag-iipunan ko kasi yung regalo natin kay Alta.

Malapit na graduation niya, valedictorian pa naman, hindi man lang natin siya mabilhan ng bagong sapatos.

Kaya nga nagtitipid ako 'di ba?

Kahit na Popsy, delikado yang ginagawa mo. Ganito na lang, maayos pa naman ako, huwag na muna nating ibili ng gamot ko yung pera.

Momsy...hindi pwede, baka bumalik ang saki mo. Alalahanin mo ikaw ang magsasabit ng medal sa anak natin.

Narinig ko sila noong gabing iyon. Kinaumagahan, isinugod sa ospital si Popsy.

I wanted to kill myself after that.

Hindi ko naman kailangan ng sapatos. Mas importante sila.

Wala kaming isla, wala kaming cruise line at hindi rin kami mayaman.  Sa mundong ito sila lang ang meron ako.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Où les histoires vivent. Découvrez maintenant