CHAPTER XXXIX: THE NEW KHALEESI

314 13 22
                                    

"YOU ARE SERIOUSLY NOT GOING TO HELP ME?"

Tanong ko kay Prop. Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagalalaro sa cellphone niya.

"Bakit ba kasi ikaw ang isinama ni Eliel rito? Dapat kasi si Mika na lang..."

"Do you really think na hahayaan pa ulit niya na maiwan kayo ni Mika ng kayo lang?" huminto na siya sa paglalaro, "hindi pa niya nakakalimutan ang ginawa ng baliw kong kapatid. Pero sabagay, hindi niya na pwedeng gawin yun ulit, lalo na ngayon, Eliel already claimed you publicly."

"What are you saying?"

"That Green Dust on your lips is what I'm saying."

Natigilan ako. Napansin niya.

Haiiist....ba't ba kasi ayaw mabura nung Green Dust!

Eliel and I kissed.

Kissed.

Sa tuwing naipipikit ko ang mata ko, the memory of his lips on mine flashes back. Those soft lips...and the way he passionately kissed me...na para bang may pangungulila...

Bigla akong napahawak sa labi ko.

Today was our second kiss...yung una noong bata pa kami...I could definitely say, I liked the second time better.

Bigla na lang kumabog ng malakas ang dibdib ko...

DUGDUGDUGDUGDUG...

Bakit ganito? Ano ba 'tong...nararamdaman ko?

"Alcopara, are you listening to me?"

Ano ba...ano ba ito...

"A—aaaw!" bigla na lang may tumusok at gumuhit sa kamay ko.

Sa sobrang pagmumuni-muni ko hindi ko namalayang mga pots na nakabalot sa alambre na ang pinupunasan ko.

Nakita kong may pumatak na dugo, nasugatan na naman ako.

"Kahit kelan napakatanga mo talaga." Hinablot ni Prop ang kamay ko at tinitigan ito.

Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya.

"A—ayos lang ako!" binawi ko ang kamay ko at nagpatuloy sa paglilinis pero hinila niya ulit ito at itinapon ang pampunas sa lupa.

"You seriously..." kumuha siya ng panyo at ibinalot ito sa kamay ko. "Umupo ka dun!" Turo niya sa silyang pinanggalingan niya.

"Pero kailangan ko yang matapos bago matapos ang klase..."

"Upo sabi eh!" Kinaladkad niya ako sa upuan at pianaupo.

Tinanggal niya ang coat niya at ibinato sa akin.

"Hoy!" kairita nasapul pa ako sa mukha.

"Takpan mo iyang mukha mo...nadidistract ako."

"Huh. Bakit ka naman madidistract, dahil ba sooobrang ganda ko?"

Napahinto siya at bigla na lang bumulagsak sa tawa.

"Hahaha!!! Hindi ka kaya maganda. Hindi ko nga alam kung anong nakita ng mga paslit na yun sayo at nagkakandarapa sila. Ibahin mo ko." Tinapik niya ang dibdib niya, "I'm Propylaea Troy and I'm the only guy who will never fall in love with you."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now