CHAPTER LIII: WOUNDS THAT DON'T BLEED

281 12 25
                                    

"There are wounds that never show on the body
that are deeper and more hurtful
than anything that bleeds"
-Laurell K. Hamilton

...NO ONE CAN STAND TO BE WITH YOU...

Paulit-ulit na bumubulong ang malamig na tinig sa tainga ko.

...everyone will leave you...

...even your own Mother left you...

"She left...me?"

Napahawak ako sa pader upang suportahan ang sarili ko. Umiikot ang paningin ko at naramdaman ko ang pagpatak ng malamig na pawis mula sa aking noo.

Paglabas ko sa kwarto ni Eliel, bigla na lang akong nanghina. It was as if I suddenly felt sick.

Sinabi niya na magkikita kami. Nangako siya...

Why was he not in his room?

He lied.

He lied to me.

...everyone will leave you...

...you're cursed...no one will ever stand to be with you...

...you're cursed...

"Hindi...totoo yan." huminto ako sa paglakad at tumingin sa harap ko. Malabo ang pasilyong nilalakaran ko. Ang sahig ay mistulang natutunaw sa paanan ko. "Sigurado akong...may dahilan si Eliel...sigurado ako."

...he ABANDONED you...

...like your MOTHER...

"Hindi yan...totoo..." naramdaman ko ang sarili kong bumagsak sa sahig at pagkatapos noon, nakita ko siya.

"Cera...makinig ka sa aking mabuti." Wika ng isang babae.

She looked familiar.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Napakaganda niya pero bakas ang pagod sa maputla niyang mga pisngi. Naaninag ko rin ang mga itim na linya sa ilalim ng mga mata niya.

"Hindi sila titigil...hindi nila ako titigilan..." nagsimula nang pumatak ang mga luha niya, "Ang mga boses, hindi sila hihinto hangga't hindi nila nababawi ang orakulo."

Mga boses.

Tama, sinabi niyang hindi siya pinapatulog ng maraming boses na patuloy na gumugulo sa kanya.

"Ina." Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. "Huwag na po kayong umiyak." Wika ko.

Napansin ko ang maliit kong kamay na humaplos sa kanyang pisngi.

Tiningnan ko ang sarili ko. I was a kid again.

"Cera...anak patawarin mo ko."

No. This woman.

She was...my mother.

"Dito ka lang, may pupuntahan lang ako sandali. Huwag kang aalis..." hinaplos niya ang buhok ko. "Naiintindihan mo ba anak? Cera, are you listening?"

"Opo." Sagot ko. "Babalik po talaga kayo?"

Napalunok siya at waring nag-isip.

"Oo naman. If you...after you count to a hundred... sigurado akong nakabalik na ako pagkatapos noon."

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now