CHAPTER XXXV: THE OTHER BOY

308 14 21
                                    

"BAKIT MO TINANGGIHAN SI ELIEL?"

Tanong ni Priam sa akin habang naglalakad kami pabalik sa dorm room. Wala nang estudyante sa paligid dahil malalim na ang gabi.

Malapit na sumapit ang oras ng curfew, napansin ko nang mapatingin ako sa relong suot ni Priam.

Matapos nang kakaibang paglalakbay namin sa mga alaala ni Eliel, tumanggi ako nang alukin niyang ihatid ako pabalik ng dorm.

Sinabihan ko siya na si Priam na lang ang maghatid sa akin at sa kabutihang palad, ay hindi naman siya nakipagtalo pa.

"Because I didn't want him to hear what I'm about to ask from you." Sagot ko.

And partly, because I didn't know how talk to him pagkatapos ng lahat ng nakita ko. I wanted to tell him pero hindi ko itinuloy.

Napansin kong biglang nakaramdam ng kaba si Priam. Simula nang magsimula ang paglabas ng mga kakaibang imaheng parte ng nakaraan ko, ngayon na lang ulit kami nagkita.

"After I saw his memories, bigla na lang akong may nakitang alaala ko."

"You mean that one back in the island. Yung huling araw na magkita kayo before we left to find you a home?"

"That...and something else." Wika ko. I saw something...or rather someone. "There was another kid. Another boy."

Tumingin siya sa akin.

"Another boy? Other than Eliel? You saw him sa island?"

"Hindi. Kausap ko siya at nasa isang malaking bahay kami. His name is Grim."

"Grim." He thought for a second, "pwede ko bang mahiram yung booklet na ibinigay ko sa'yo kanina?"

Iniabot ko pabalik sa kanya yung booklet. Sandali kaming tumigil sa isang bench habang may hinahanap siya.

"Here it is. I know I saw that name from somewhere." ibinigay niya sa akin ang booklet at nakita ko ang isang pahina kung saan paulit-ulit kong binabanggit ang pangalang iyon.

...gusto kong makita si Grim...

...kailangan ko si Grim...

...hindi ako lampa...

...ayaw ni Grim sa lampa...

"Kilala mo ba kung sino siya?"

"No." pag-iling niya, "I met you after the incident, pagkatapos akong kunin ni Eliel para...ayusin ang mga alaala mo—"

"Is that what you call it?" I cut him short, "pag-aayos ng alaala?" I'm still upset about the memory-altering thing they did to me.

"Al...I'm sorry. We just did it to protect you..."

"Really? I don't feel very protected right now." Sarkastiko kong sagot.

But I have to stop. It was not the time to lash out.

"So, hindi mo kilala kung sino si Grim?"

"Hindi. I know the other was Eliel, who you fondly called Flash."

Si Eliel kaya...kilala niya kaya si Grim?

"Teka...meron pang isang pangalan dito." Itinapat ko sa ilaw na nanggagaling sa lamp post yung booklet to read it clearly, "Right. Mr. Frodo. Who's he?"

Priam smiled.

"Mr. Frodo is not a who. It's a what." Sagot niya, "Ang sabi ni Eliel, isa iyong laruang bunny na pagmamay-ari mo."

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now