CHAPTER XIV: BLUE KISS

419 19 19
                                    

I DIDN'T KNOW HOW.

But I managed to sleep.

Nang magising ako sa kalagitnaan na ng gabi, chineck ko ang cellpone ko sa may bedside table.

9:00 pm.

May soup and fruits on the table, mukhang ipinasok nila ang mga iyon habang natutulog ako, hoping I will wake up and have my appetite back. Masakit pa rin ang ulo ko, pero tumayo ako at naglakad papalabas ng kwarto.

Somehow I felt better than earlier. Siguro dahil nakatulog ako.

Parang nasa isang European Mansion ako. Napaka-sopistikado ng bawat detalye sa pasilyong nilalakaran ko.

Nang tumagal, naramdaman kong naging pamilyar ang mga pader, ang kisame ang buong paligid.

It's like I've been here.

Doon ko narinig ang dalawang boses.

"Priam, hindi ko kaya, hindi ko kayang gawin ang gusto niya..." umiiyak na sambit ng isang batang lalake.

Pinuntahan ko ang pinanggagalingan nito at nakita ko siya kausap ang isang nakatatandang lalake.

"Flash, hindi siya pwedeng manatili ng matagal."

Flash. That name. Kung ganoon siya yung batang lalake na lagi kong nakikita. Pero teka, am I really seeing this? Or this is some sort of...dream?

"You're...you're awake." Lumingon siya sa akin. Ngayon nakikita ko na ng malinaw ang kanyang mukha.

Those eyes, even with the tears looked familiar.

"Ah..." He was talking to me, "ah--oo."

"I'm glad you're okay." Nagpunas siya ng luha at naglakad palapit sa akin.

Umatras ako. Hindi ko alam kung bakit pero umiwas ako sa kanya.

"I'm..." Natigilan siya, "I'm sorry...about—"

"Flash, don't." Hinila siya nung kasama niya pabalik.

"Priam, let me go, she needs to hear it."

Nang lapitan ko siya, bigla na lang siyang nawala. Siya at si Priam.

"I need to hear what?"

Biglang may narinig akong nabasag mula sa isang kwarto malapit sa kinaroroonan ko.

Bukas ang pinto kaya sumilip ako. There I saw Eliel, talking to Prop.

"Teka lang...hindi ba ito si..."

"Cory Killian." Bigkas ni Eliel sa pangalan ng doktor ko.

Bakit nila pinag-uusapan si Dr. Cory?

"Ang Dispatcher na si Priam Bartemius" teka, Priam? "...at si Cory Killian ay iisa."

Anong...Paanong...

Yung Priam na nakita kong kausap nung bata, at si Doctor Cory...sinasabi ba niyang iisang tao lang sila?

I did not hear the rest of it dahil may humila sa akin palayo. Tinakpan niya ako sa bibig at mabilis na hinila papunta sa isang madilim na pasilyo.

"Alta, what are you doing here?"

It was Mika.  I knew that tone, mukhang hindi ko na naman dapat marinig ang mga narinig ko kanina.

"How long have you been standing there?" he was shocked and pissed.

Hindi ko alam ang isasagot ko, tinulak ko siya palayo pero hinila niya ako pabalik.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now