CHAPTER LXIV: YOUNG GOD

121 4 22
                                    

Callic:

Tuluy-tuloy ang pagpatak ng dugo.

Walang patid din ang pagrereklamo ng gunggong na nagpapahirap sa akin.

Inisip talaga nila sa kaunting galos, kaunting palo at pagsaksak ay mapapasunod nila ko. Nakita ko na ang impiyerno. Nakain na ako ng mga nanlilisik niyang apoy. Wala silang pwedeng gawin na papantay sa sakit na dinanas ko noon.

"Hindi man lang natitinag ang baliw na 'to. Saan ba siya nanggaling?" tanong ng unang gunggong.

"Anak siya ni Hephaestus." Sagot ng pangalawa.

"Hephaestus? Iyong pinakapangit sa lahat ng diyos ng Olympus?"

Ang salitang iyon na naman.

"Oo, pangit pero pinakamayaman. Siya ang kumukontrol sa lahat mineral at minahan sa sanlibutan. Ang bawat bakal, hiyas, ginto at diyamante, ay nasa kanyang pangalan."

Rich but ugly. That's my Dad right there.

Ibinaon nilang muli ang punyal na gawa sa Adamantine sa aking tagiliran ngunit walang sigaw o ni hikbi na lumabas mula sa aking bibig.

"Isa kang Endless kaya matatag ka. Pero hindi tatagal ang tibay mo, bata. Unti-unti ay bibigay ka rin." Pagmamayabang niyang wari'y sigurado sa kung ano mang balak na nabuo sa kakarampot niyang kokote.

"Hindi ako Endless, tanga."

Sabay silang tumingin sa akin.

"At tumubo na pala ulit ang dila ng madaldal." patutsada niya nang marinig nila akong sumagot matapos ng ilang oras na pananahimik.

Hindi ko napigilan ang aking halakhak.

"At anong itinatawa mo? Gusto mo na bang mamatay ha?!" banta nito.

"Mamatay? Ako?" Hinatak ko pababa ang kadenang tumatali sa magkabila kong kamay at natanggal ito sa pagkakakabit sa kisame. Sabay silang umatras palayo sa akin. "Napapagod na akong makinig sa usapan ng dalawang gunggong. I'm bored, why don't we play a game?"

Itinutok nila ang kanilang mga espada sa akin.

As if that would scare me.

"Good then, let's play!"

Napuno ng sigaw ang buong kulungan kung saan nila ako ipiniit. At pagkatapos lang ng ilang minuto ay nabalot ito ng katahimikan. Bumukas ang pinto ng selda at bumungad sa akin ang perpektong mukha ng Diyosang si Athena.

"Sorry, I started the party without you." Inihagis ko sa paanan niya ang mga pugot na ulo ng berdugong pinadala niya para pahirapan at pasunurin ako.

Pinagmasdan niya ang pader ng piitan at kahit sa kadiliman batid kong nakikita niya ang namumulang pintura ng sariwang dugo na ipinahid ko rito.

Umatras ang mga taga-silbing kasama niya at hindi na tumuloy pa sa pagpasok. Pero si Athena ay naglakad papunta sa kinaroroonan ko bitbit ang dalawang pugot na ulo ng kanyang mga alipin.

It was a gruesome sight and she didn't even blink. She obviously had seen worse.

Itinaas niya ang dalawang pugot na ulo at sa isang iglap ay nalusaw ang mga ito at naging abo.

"They were my best torturers. But seems like they are nothing compared to the Devil that you are." Wika niya, "Marami na akong narinig tungkol sa iyo, Callicrates. The horrible tales of your violence and taste for blood have reached me. "

Magaling, kung ganoon sikat na pala ako.

"Huwag ka munang mamangha, Athena. Trust me, I could do worse." I smiled wickedly at her.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt