CHAPTER XLVI: THE FALL OF AGORA

266 9 34
                                    

1:00 PM

KANEPHOROI.

Iyon ang tawag sa mga dalagang binigyan ng karangalan para pamunuan ang prusiyon sa mga sinaunang ritwal at pista sa Greece.

Sa Agora High, iyon ang tawag sa lahat ng babaeng kalahok sa mga kumpetisyon sa PanaFest.

Ala una ng hapon ng bumaba kami upang luminya sa school grounds para sa Procession, to mark the official start of the Panathenaea.

Nauna akong bumaba kina Erin  at Eden, on my way out, nakita kong nag-uusap sina Prop and Mika sa may lobby.

They were dressed nicely in black coats. I hadn't seen anything like it before. Siguro tradisyunal na damit iyon para sa mga lalake.

"It's called....chlamys--tradisyunal na kasuotan para sa mga lalakeng kalahok sa Festival." wika ni Cedric na bigla na lang sumulpot sa likuran ko. "Gods, they were right, you are beautiful." He looked at my face then to my dress.

"T—thanks." I said uncomfortably because I did not expect any compliment from him.

Nahanap na kaya niya? Si Matheos?

"What are you doing here?"

"Taking rounds. I'm part of the Student Council, remember? Tinitingnan ko lang if everything is in order." Sagot niya.

Tama, nakalimutan ko, Student Council nga pala siya. He was also wearing a chlamys just like Prop and Mika.

"Hindi pwede kuya!"

Bigla akong napalingon nang tumaas ang boses ni Mika.

"You have to be there. Father wants us both to be there." Wika niya kay Prop.

"Tsss...." Suminghal si Prop. "We both know I don't have to, ikaw naman ang magmamana ng trono niya. Hindi ako Mika, so why would I waste my time pleasing the Elders? What's the point?!"

"Hindi yan totoo...ikaw ang successor...it's not..."

"Huwag na tayong maglokohan. Kung tapos ka na, I'm leaving, I have to pick up Erin." Then Prop walked away and used the other stairway.

"Anong meron...?" bulong ko kay Cedric, "Bakit ba parang laging galit si Prop kay Mika. Magkapatid sila di ba?"

"Well... it was because of what Pythia said before." Wika niya.

Pythia? Yung matandang orakulo?

"Sinabi niya noon na isa lang ang pwedeng maging anak ng bawat miyembro ng Triumvirate. Kaya nga walang kapatid sina Eliel at Ezrah. Pero si Poseidon...he got two sons you see...ang sabi noon sa hula, hindi karapat-dapat ang Unang Anak ng Karagatan kaya nagkaroon ng Pangalawang Anak ng Karagatan, si Mika. Habang lumalaki sila, iyon ang naitanim sa mga isip nila. And Prop...well, you know Prop," he looked at me as if expecting to understand, "he wasn't the kind one...so he hates his brother because of that."

"It's not Mika's fault..." malungkot kong wika.

Si Prop nga kaya...maari nga kayang siya ang killer?

Pero...ilang beses niya na akong iniligtas...if he really wanted to kill me, why bother di ba? Bakit pa siya nag-abalang protektahan at iligtas ako?

It couldn't be him.

Pero the invitation...

"Do you think...maaayos pa nila ang relasyon nilang magkapatid?"

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now