PROLOGUE

2.2K 35 9
                                    

Ever dated a God? What exactly do they eat? Do they even drink Starbucks? Alta, senior at Ilyria High is about to find out what it feels in Dating a God 101 ...where BLOODLINE is EVERYTHING...

                 

PROLOGUE:

"I WANT HER DEAD."

Galit at malakas na bati niya sa akin pagkapasok ko sa kanyang silid. Doon ko siya natagpuang nakaupo sa isang mataas at malambot na upuan, nakaayos paharap sa akin.

May hawak siyang baso na may red wine at ang boteng nakapatong sa mesa sa gilid ng inuupuan niya ay kalahati na lang ang laman.

She had been drinking, it seemed.

"You come back here after two years from the gods-know-where at hindi mo man lang ako kayang batiin ng maayos?" dismayado kong tanong.

Umupo ako sa silya sa tapat niya saka siya pinagmasdan. Maganda pa rin siya gaya ng dati, wala man lang bahid ng pagtanda sa kanyang porselanang mukha.

Ageless. Immortality was good for her.

"What do you want then? Gusto mo bang kumustahin ko ang araw mo at kung anong kalokohan ang pinaggagawa mo sa dalawang taong nawala ako? Is that what you were expecting? If you wanted comfort, go to your nanny."

Cold and distant. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Kung daramdamin ko ang lahat ng salitang binibitawan niya, mababaliw ako.

"A simple hello would have done it, Mother."

Tama, the cruel and indifferent creature in front of me was my mother.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at dumungaw sa bintana. Nakikita ko ang pagkainis sa gilid ng kanyang mga mata. It appeared I hit something I wasn't supposed to.

"Ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit sa mga oras na 'to ay buhay pa rin ang nilalang na iyon?" nakatitig siya sa loob ng kayang kopita, pinanonood ang mga imaheng gumagalaw sa pulang likido.

Nang hindi ako sumagot, isinaboy niya sa puting pader ang laman ng kanyang baso at unti-unting tumambad sa akin ang imaheng kanina pa niya pinagmamasdan.

Sa puting pintura, isang batang babae ang aking natanaw.

It was her.

Bumilang na rin ng taon mula ng huli ko siyang makita. And I almost did not recognize her face immediately when it flashed on the white walls. Her young self and that innocence in her eyes...

The same innocence that stopped me from killing her that night.

"You had your chance ten years ago, but you screwed up. Siguro naman ngayon hindi mo na idadahilan sa akin na 'she's just a kid'. Right at this moment, halos magkasing-edad na kayo, and she's probably just as stubborn."

She took a breath from her anger before continuing.

"I heard may kumupkop sa kanya. And I also learned na may tumutulong sa kanya. The hunt for her will not last long, so I want you to promise me one thing."

"What's that?"

"Skotose tin."

"Mother."

"Skotose tin. This time really kill her." Marahan siyang lumapit sa akin at hinaplos ako sa mukha. Alam kong nakikita niya ang pagaalinlangan sa aking mga mata.

"My dear, she might be a useless mortal right now, but as soon as the Old Ones find out what she really is, kayang kaya niya tayong patalsikin sa puwestong kinaroroonan natin ngayon. So I'm leaving you with the choice: it's her or us."

Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. At kahit may mga boses pa sa isip ko na nagsasabing mali ang gagawin ko, I still need to do it. I must kill her.

For the family.

"Hindi iyon mangyayari. I'll take her down before they can even know about her."I said clasping my hand in hers.

"That's a good boy." She planted a kiss on my cheek and then she disappeared as always.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Where stories live. Discover now