CHAPTER LXII: STRONGER THAN BLOOD LUST

93 5 5
                                    

Eliel:

"Sinong gusto mong mauna?"

Hinigpitan ko ang hawak ko kay Alta, pero nagsimula na siyang magpumiglas.

"Bitawan mo ko, Eliel."

"No."

"Hindi ako tatayo lang dito para panuoring mamatay ang mga kaibigan ko!"

"At tingin mo hahayaan kitang mamatay?" Hinatak ko siya pabalik, "Suicide ang gusto mong mangyari. Hindi kita ibibigay."

"Pero—"

"Hindi ganun katanga si Callic para pumatay ng Endless. Hindi niya gugustuhing maranasan ang galit ng mga diy—"

"AAAH!"

Sumigaw si Lee at sabay kaming napalingon ni Alta.

Sinaksak siya ni Callic sa may likuran gamit ang isang kristal na patalim at sumubsob siya sa sahig.

"Lee!" muntikan na siyang takbuhin ni Alta pero pinigilan ko siya.

Tumawa lang si Callic habang minamasdan ang mga gulat naming ekspresyon.

"Relax, kids," wika niya sabay sabunot kay Lee para ipakita ang namumutla niyang mukha sa amin. "That was not a major artery. But the next one," itinutok niya ang patalim sa leeg ni Lee, "will be stuffed down to his jugular vein. And I'm not just saying that to show off my anatomy skills."

"Alam mo kung ano ka—wala kang pinagkaiba sa isang halimaw! You homicidal maniac."

He sneered at my remark.

"That was just downright repulsive and horrible, Your Grace...I like it." wika niya. "Huwag mo kong masyadong purihin, baka maiyak ako."

I didn't mean that as a compliment, damn you!

"Gusto mo talagang matikman ang galit ng mga Diyos ng Olympus? Sa ginagawa mo—"

"Is that a threat?" lumingon siya kay Ezrah, "Is pretty boy right there actually threatening me?" ibinagsak niya si Lee sa sahig at nagsimulang humakbang palapit sa amin.

Bumuo ako ng mga lightning balls sa kamay ko na handa kong ibato sa kanya sa oras na umatake siya.

"Ellie, you silly child...hindi mo ko mapapatay gamit lang ang mga Christmas balls na yan." Ipinikit niya ang mga mata niya at sa pagmulat ng mga ito they were burning golden yellow, "You need more than that to kill a God."

"Bakit hindi mo ilapit iyang pagmumukha mo sa mga kamao ko para malaman natin kung hindi ka talaga mamamatay?"

Ngumiti siya, "Alta, hindi mo sinabing marunong palang magpatawa ang boyfriend mo." Ipinagdikit niya ang kanyang palad at bigla siyang nawala.

Naramdaman ko na lang na nasa likod ko siya nang tumama ang sipa niya sa mukha ko.

Kaasar...

"Oops." Nagtakip siya ng bibig, "Hindi ko sinasadyang gasgasan ang maganda mong mukha. Nakaharang kasi kaya ko sini—"

Natigilan siya sa pagsasalita dahil sinikmuraan ko siya.

"Masyado kang madaldal, Callicrates." Hinila ko siya sa braso at ibinato ko siya sa pader.

Sunud-sunod na malalaking pagsabog ang narinig dahil binutas niya ang lahat ng pader na nadaanan niya nang patalsikin ko siya.

"At masyado ring mayabang." Sinamaan ko ng tingin ang dalawang guwardiyang may hawak kay Lee at Pysces, saka sila binato ng lightning balls.

DATING A GOD 101 (COMPLETE!) #Wattys2021Où les histoires vivent. Découvrez maintenant